Chapter 6

146 20 100
                                    

Chapter 6

Prinsesa Bersalia Amonta

Note: Credit sa Artists ng mga Photos. Hindi ko po ito pag mamay-ari, ito ay para lang may mai-magine po kayo kung ano ang hitsura nila.

Nakatayo, at nakatingin sa malaking gate si Levi habang nakaupo siya sa may gather kung saan siya unang tumambay noon para mag sight-seeing ng mga nagtatalbugang papaya.

Malaki ang kompiyansa niya na magiging matagumpay ang plano, at alam niya na lilitaw si Advincula Zoriael dahil siya ang nasa isipan niyang gagawa ng pagdukot sa prinsesa.

"3rd seat sabi pala ng Commander-In-Chief ihanda niyo na daw po ang team niyo." Boses ng isang babae na hindi pamilyar sa kanya.

Siya ay si Cheyenne Ashley ang Vice-captain ng first District, kasama nito ang Vice-captain ng 2nd District na si Claudia Bass, na nagpaduling sa mata ni Levi, dahil sa taglay nitong malusog na papaya.

"Buhay na buhay ang mga papaya nila." Aniya sa sarili niya.

Sakto namang nagdatingan ang team ni Levi na mag se-safe guard ng prinsesa papunta sa palasyo ng Central, kasama nila si Kapitan Hagoi, at ang back up unit na pinamumunuan naman ni Vice-captain Jenkins.

"Team Captain Levi in action." Ani Kapitan Hagoi sabay proud na ngumiti ito.

"Galingan niyo Team Levi kailangan niyo ma-isafe guard ang prinsesa papunta sa palasyo ng Central." Mando ni Kapitan Hagoi.

"Yes Captain!" Sabay-sabay pa ang mga ito, at sumaludo.

"Ikaw na ang bahala Team Captain-- 3rd seat Neo." Isang matunog na tapik ang iniwan ni Kapitan Hagoi kay Levi, na tumango lamang.

Hindi naman mawala ang titig ng Vice-captain ng 2nd District na si Claudia Bass kay Levi-- iyon ay dahil sa labis na paghanga ang nasa mga mata nito.

Bigla namang humarang ng pasimple si Kimi para hindi na magpatuloy pa ang pagtitig ni Claudia kay Levi, ngumiti naman si Claudia kay Kimi, at si Kimi naman ay sinamaan ng tingin si Claudia.

"Ignorante." Bago tumalikod si Claudia.

"Haliparot." Pakli naman ni Kimi.

"Oh, ito ang action." Ani Zam na Vice-captain ng 9th District sa kasama niyang si James na nakatingin lang sa dalawang babaeng Bise-kapitana.

"Ang sariwa, at batang bise-kapitana na si Kimi, laban sa M.I.L.F na Bise kapitana. Ito ay labanan sa pagitan ng mga Boobie goddess. " Anunsyo ni Zam na animo'y ring announcer ng boxing.

Sabay sumugod ang dalawa na walang ano mang babala sa isa't isa. Mabilis silang nawala kaya hinabol naman ni Levi ito para awatin, at nawala rin ito.

Sa kasamaang palad ay may pangyayari ang hindi maipaliwanag ng lahat na nag paawang ng bibig ng mga nandoon, dahil nang lumitaw si Levi ay naipit ang mukha niya sa pagitan ng dalawang naglulusugang papaya ng dalawang Bise-kapitana na dapat magsasalpukan. Pakiramdam ng lahat ay naipit si Levi sa pagitan ng nag-umpungang mga malalaking kambal na bato.

"May nanalo na." Ani Zam, habang tinitignan nila si Levi na dahan dahang bumabagsak.

"Levi." Sigaw ni Kimi na madaliang nawala, at pumunta sa pwesto ni Levi na walang malay ganun din si Claudia, sumunod narin ang kambal.

"Pasensya na-- ikaw kasi Vice-captain Jenkins eh." Pilya at mapang asar na ngiti ni Claudia kay Kimi.

"Ako pa sinisisi ng Haliparot na manang na ito." Sabay tumayo si Kimi, at umamba ito.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon