Chapter 2

270 35 154
                                    

Chapter 2

The Mission bapor

Habang naglalakad si Leviticus papunta sa kanyang motor ay may naramdaman siya na pasugod sa kanya, kaya naman ay mabilis niya na sinalag ito ng kanyang braso, ngunit sa lakas nito ay tumalsik siya, at tumama sa may malaking gate.

Bumagsak si Leviticus ngunit balanse siyang nakalapag ng maayos. "Sino kayo?"

Nakita niya ang dalawang babae sa harap niya, pamilyar ang dalawang ito dahil ang isang naka salamain ay nakita na niya sa bihisan, at ang isa ay si Mysharona na umatake sa kanya.

"Sandali lang alam kong galit kayo dahil sa aksidente sa bihisan. Pero hindi yun sapat para bulihin niyo ako." Iritadong wika ni Leviticus.

"Wala kaming paki pogi sa aksidente." Ani ng babaeng nakasalamin na bigla nalang napunta sa harap niya, at hawak na siya, at sinandal sa pader.

"Ang pake ko ay nasa sayo. Gusto mo pa bang sumilip." Sabay hinawakan nito si Leviticus sa batok, at nginudngod sa papaya nito.

Matapos nilapit pa ng babae ang mukha nito sa kanya, na parang hahalikan na ito, ngunit galit na umatake si Mysharona, kaya naman mabilis na umalis ang babaeng naka salamin.

"Ano ba Mysharona? Nagaaliw pa ako." Aniya.

"Pasensya na Kapitana Corvette ng 1st District, pero hindi dapat pinag-aaliwan ang manyakol na iyan." Ani Mysharona.

Si RI Corvette siya ang Kapitana ng 1st District, Commander ng technology and Research.

"Nakakatuwa kasi ang pilyong ito. Pwede ko kaya siyang i-disect." Matunog, at malandi ang ngiti ni Ri.

Umatake si Ri. Isang suntok, at sipa na nailagan naman ni Leviticus, ngunit nawala agad si Ri. Sumunod naman na lumitaw ay si Mysharona matapos mawala ni Ri, at malapit na sa kanya ang papalapit na sipa nito, pero sa sobrang buka nito, ay natamaan ng tingin ni Leviticus ang bakat nitong cake, dahilan para mawala siya ng ilang segundo sa wisyo.

Nang makabalik na siya sa wisyo ay halos malapit na ang dulo ng sipa ni Mysharona sa kanya, kaya mabilis siyang nawala, at lumipat ng pwesto

"Grabe kung ganito sila kabibilis baka hindi na ako tumagal." Aniya, at hinanda na niya ang kanyang sarili para tawagin ang kanyang Perks na si Sharp Shooter.

"Tama na daw yan mga girls, sabi ni Mama Cy." Boses na pamilyar kay Leviticus.

"Kapitana Palmera." Ani Leviticus, at nakatingin ito kay Dyone na nakatayo sa tuktok ng pader

"Pasado ba sa inyo." Tanong ni Dyone sabay napunta agad siya sa tabi ni Leviticus, at umakbay. Mukha namang na hold-up ang mukha ni Leviticus dahil dumikit ang papaya ni Dyone sa kanya.

"Papaya is real." Bulong ni Leviticus.

"Pwede na sakin. Kaya nirerecomenda ko siya sa grupo ko." Ani Ri, na matiim na nakatingin kay Leviticus, at may kasama pang kagat labi.

"Sorry kinuha na siya ng Kapitan ng ika-labingdalawang Distrikto." Ani Dyone.

"Sa akin hindi pwede ang babagal-bagal." Ani Mysharona, at mabilis na nawala kasama ni Ri na kumaway, at nag flying kiss pa kay Leviticus.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon