Chapter 22

34 6 1
                                    

Chapter 22

Meet And Greet.

Alas quatro ng madaling araw ng maalipungatan si Levi, nararamdaman niya na parang may masikip sa magkabilang tabi niya kaya naman ay pumaling siya sa kaliwa, at nagulat siya dahil papaya ni Kimi ang bumungad sa kanya, at saktong-sakto sa kanyang mukha, at ramdam ang lambot nito.

Sinubukan niya naman na pumaling sa kanan ay cleavage ng bubot na papaya naman ni Mysharona ang nakita niya. Akmang babalik naman si Levi sa kanyang pwesto ng kapwa'y umakap ang dalawang babaeng nakatabi sa kanya.

"Matutulog nalang ako ulit, grabe pwede na ako mamatay," aniya.

Ilang minuto na ang lumipas ng dalawin na siya ng antok, nang bigla siyang maalipungatan dahil sa mabilis na pagbangon ng dalawa.

Nananatili siyang nakapikit dahil umaasa siya na babalik pa sina Kimi, at Mysharona sa kama. Hindi nga siya nagkamali dahil bumalik pa si Kimi, at ginising siya nito.

"Levi, nandiyan ang 4th seat at ang Bise-kapitan ng 11th District," wika ni Kimi.

Nagkunwaring nagising ito sa pag gising ni Kimi, at umunat unat pa ang gago. "Saglit lang, Vice-captain Jenkins," anito.

Nang makalabas na si Levi ay nakita niya muli si Edison-na nakangiti na naman ito sa kanya-kasama ang 4th seat ng 11 District kung saan siya napapabilang.

"Bakla ba itong hindot na ito?" tanong ni Levi sa kanyang sarili, dahil tuwing nagkikita sila ni Edison ay ngumingiti ito sa kanya.

"3rd seat Neo nais po kayo kausapin ni Kapitana Palmera ng 11th District ngayon sa kanyang Opisina, at magdala na daw kayo ng mga gamit niyo," saad ni Edison na Bise-kapitan ng 11th District.

"Sige papunta na, magbibihis lang ako," wika ni Levi, at napa ismid ito ng ngumiti muli si Edison sa kanya bago umalis.

"Ukininam! Bayot nga ata ang hindot," wika ni Levi sa sarili niya.

**

Tatlong katok bago siya pagbuksan ng pinto, at si Edison ang nagbukas nito na may kasama pang ngiti.

Dumerecho nalang si Levi, at nawiwirduhan na siya sa madalas na pagngiti sa kanya ni Edison.

"Magandang umaga 3rd Seat Neo," bati ni Dyone, na halos magpadugo ng ilong ni Levi.

Nakasuot lamang ito ng underwear habang nagsisigarilyo. Ang mas nakakadala pa dito ay puti ito, na halos makita ang cake nito na malinis at tabas na tabas.

"3rd seat Neo, kaya gusto ko dito sa District 11," bulong ni Edison sa tenga ni Levi.

"Parang gusto ko nading magpalipat-kala ko bading ka may hilig ka din palang hayop ka sa mga chicks," bulong pabalik ni Levi.

"Nagkakamali ka 3rd seat idol ka namin nina James at zam," bulong pabalik ni Edison.

Habang nagpapalitan sina Levi, at Edison ng bulungan ay may nagbukas bigla ng pintuan ng sobrang lakas. Kaya naman naitulak si Edison papunta kay Levi, dahilan para madapa si Levi.

Sa hindi inaasahan ay naitulak niya din ni Levi si Dyone, at nadaganan niya pa ito na nakasubsub pa ang mukha niya sa papaya nito.

Mabilisan namang tumayo ang tatlo, at binalingan ang taong may kagagawan ng aksidente.

"Pasensya na Kapitana Palmera, Vice-captain Royston...at 3rd seat N-Neo ng 12th District," saad ng babaeng nagngangalang Oxaria Salahar na 3rd seat ni Kapitana Palmera.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon