Chapter 32

23 4 0
                                    

Chapter 32

The Civil War In Central

Habang nasa tuktok ng bubong ng Central Office sina Condrad, Hamour, Jake, at  Bakuhr ay naglalaro naman sina Condrad at Jake ng isang Malayan board game(combination of chess and game of general), at inaaliw ang kanilang mga sarili.

"Sigurado ka na ba Jake?" ani Condrad, at ginalaw ang isang piyesa at nilagay sa defensive position.

"Kailangan Condrad, dahil kasama ito sa 5% ng buhay ko," sagot ni Jake, at ginalaw naman niya ang piyesa para atakihin ang nakadepensang piyesa ni Condrad.

Matapos maisagawa ni Jake ay nagulat siya, dahil marami na palang piyesa ang hindi niya maaring maigalaw, dahil na trap na ito ni Condrad.

"Nakakaasar ka, babawi nalang ako sa susunod," bulalas ni Jake sabay na tumayo, at nagsimula ng maglakad palayo.

"Mag iingat ka Jake, hanggang sa muli." Paalam ni Condrad.

**

Habang nasa loob ng isang malaking kwarto at nakaupo ang mga kapitan ay buryong nakaupo naman si Bakuhr, at kinikindatan niya si Alear  —Bise kapitana ng 3rd District—na napapaismid sa kanya.

Trip niya kasing asarin si Alear simula pa noong mga bata pa sila, dahil magkababata sila at magka skwela pa, ngunit naghiwalay sila ng landas ng lumaki na sila.

Pinili ni Alear na maging tagapagtanggol ng Malaya, at habang si Bakuhr naman ay pinaniniwalaang pinili ang isa sa mga mahirap na landas.

"Gago ka talaga Kalawani tigilan mo kaya ang Bise kapitana ng 3rd District." Suway ni Jake na nakaupo rin katabi ni Bakuhr.

Matapos sitahin ni Jake ang kakulitan ni Bakuhr ay may mga iilang mic. feedback ang narinig nila, dahilan para umayos ng kanilang upo para ituon ang kanilang atensyon sa taong nasa harapan—ganun din ang ginawa nina Jake at Bakuhr.

"Mga kapwa ko Kapitan, ako po ay si Kapitan Hagoi ng 12th District. Isa po ako sa nag organisa ng pag pupulong na ito, at sa Commander-in-chief nating kasama ang mga high-commander natin ay nagpapasalamat po ako, dahil pinaunlakan niyo po ako," matapos ng wikang pang bungad ni Seprath ay pumalakpak ito kaya nagsipalakpakan din ang mga nasa loob ng kwarto.

"Kapitan Hagoi pwede ba namim malaman kung para saan ang pagpupulong na ito?" diretsahang tanong ni Cyndione—na Commander-in-chief ng buong W.A.R.D.S ng Malaya.

"Maraming salamat sa pag bibigay ng interest sa pagpupulong na ito, dahil po diyan ay hindi na po ako mag papaligoy-ligoy pa." Mariin tinapunan ni Seprath ng mabilis at simpleng tingin si Jake.

"Ito ay tungkol sa aking 3rd seat na si Leviticus Neo na hinihinalang nagtataglay ng isang sumpa galing sa ating mga panginoon, dahil nagsimula ang lahat ng ito sa mission ni Levi sa pag take over ng iilang siyudad sa District 5." Huminto muna saglit si Seprath, at huminga ng malalim.

"Isang balita ang aking nakalap na si Levi ay nagpapakita ng kapangyarihan na isang kaisa lamang ng Vanguardia ang mayroon," matapos sabihin iyon ni Seprath ay huminto muna siya ulit, at inayos ang kanyang suot na salamin.

"Bilang tinaguriang Vanguardia slayer sa kanyang panahon maari ba namin malaman ang inyong opinyon—Commander-in-chief Ceds?" minuwestra naman ni Seprath ang kanyang kamay sa pwesto ni Cyndione.

"Ang masasabi ko lang ay hanggat hindi siya nakikitaan ng kahit na anong banta sa ating bansa ay wala akong opinyon, dahil mag kakaroon lang ako ng opinyon kapag nagkataon—ako na mismo ang papatay kay Levi," isang malaman na pahayag ni Cyionde.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon