Chapter 9

101 21 68
                                    

Chapter 9

Operation: Retaliation 2


Naglalakad naman sila Kapitan Reichgner, Kapitana Palmera, at Kimi pababa ng underground passage na tinutukoy ni Levi na ayon sa kanyang Spiyang si Dodong.

Charinggg masakit sa kasing-kasing.

"Ang creepy naman dito baka kahit anong oras ay may biglang lumabas na kahit na ano." Ani Bruce.

"Ayos lang sana kung mga machong papa ang lalabas eh." Dagdag pa ni Bruce.

"Hay nako itong baklang ito. Sipain kita diyan eh." Ani Dyone.

Nang ganap na silang makababa ay nagtaka sila dahil walang tao sa loob, at may tatlong lagusan dito.

"Kapitan Reichgner, ang plano." Ani Dyone.

"Kapitana Bolts walang tao ditey kaya mag bo- Volt-out muna kami." Ani Bruce matapos pindutin ang kanyang ear piece.

"Sige may 15 minuto pa tayo." Ani Mysharona sa kabilang linya, habang rinig naman ni Bruce ang pakikipaglaban nito kay Cory.

"Ulikba! Ulikba! Ulikba." Boses ni Cory na galit na galit na naririnig ni Bruce sa kabilang linya

"Saglit lang Sis." Pahabol ni Bruce.

"Ano bilisan mo nasa gitna ako ng laban. Baklang ito." Iritadong sambit ni Mysharona.

"Maganda ka ba Gorl?" Ani Bruce.

"Baklang hudas ka!" Sigaw ni Mysharona sa kabilang linya.

Natawa naman si Dyone dahil sa sinabi ni Bruce, at naiisip niya ang reaksyon ni Mysharona.

"Ate Dyone may sasabihin din ako." Si Bruce, at seryoso ito.

"Sige ayusin mo lang dahil kung hindi. Papatayin kita dito." Habang natatawa parin si Dyone dahil nai-imagine nito ang mukha ni Mysharona.

Napatingin naman si Kimi sa dalawang Opisyal, parang wala ang mga ito sa kritikal, at delikadong misyon. Gaano ba kalakas ang henerasyon ng mga kapitan na ito, na tinatawag na Wave 13 ng mga nag tapos 100 taon na ang nakakalipas na 21 lang ang nakapasa sa ilalim ng dating Commander-in-chief na si Clemente Javerwok.

"Nakalimutan ko na ate Dyone." Ani Bruce.

"Mabuti naman kala ko gusto mo nang mamatay eh. Oh! sige tara maghiwalay na tayo---dito ako sa gitna." Ani Dyone.

Ilang minuto na ang nakakalipas sa paglalakad ng tatlo ay lumabas lang sila sa iisang lugar.

"Ay havey ang tatlong lagusan iisa lang ang lalabasan." Ani Bruce.

"Saglit lang." Ani Dyone sabay tinignan ang apat na lalaking nasa harap niya.

"Hindi biro ang taglay na Tiriu (Translation: Energy unit) ng mga ito." Sambit ni Dyone sa sarili niya.

Ang mga lalaking nasa harap nila ay mga Opisyal din ng Jar'ghal na namuno sa pagkuha sa siyudad sa 5th District. Sila ay si Sam Vistarivas na 5th seat, Lasola Ridad na Bise kapitan, Janus Brigundy na Segunda kapitan, at ang kanilang Commander na si Geonel March.

"Kanina pa kami naghihintay sa inyo." Wika ng isang lalaki na naka sando, at maong na pantalon na si Sam.

"Oo nga eh kanina pa namin kayo hinahanap." Ani Dyone.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon