Chapter 15

54 10 14
                                    

Chapter15

A Long Day With.. URGH!

Nang makapasok na si Levi sa Opisina ni Cyndi ay napatigil siya ng makita niya sila  Mysharona, at Princess, na nakaupo at matalim na nakatitig ang mga ito sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay baka bigla siyang ambush-in ng dalawang ito.

"Buwisit bakit kaya nandito ang dalawang baliw na ito," tanong ni Levi sa kanyang sarili. Hindi parin niya makakalimutan ang ka-wirduhan ni Princess, at ang ka bayolentehan ni Mysharona.

Nang makalapit na si Levi ay minuwestra naman ni Cyndi ang upuan sa kanya. Hindi ata maganda ang pakiramdam ni Levi sa mga mangyayari sa loob ng pagpupulong na ito.

"Bago tayo mag umpisa gusto ko munang batiin si 3rd seat Neo ng maligayang pagbabalik," sabay na ngumiti matapos niyang magsalita.

Tumango naman si Levi bilang pasasalamat.

"Oh, siya nga pala Kapitana Bolts, at Kapitana Saladeeni," inayos muna ni Cyndi—na Commander-In-Chief nila—ang pahina ng papel na hawak nito, at saka niya nilipat.

"Kayo ang magiging Officers-In-Charge ng Security team ng Palasyo—alam niyo na naman siguro ang nangyari—kaya inaasahan ko na magiging ligtas ang Prinsesa, at saka nga pala makakasama niyo din sila 3rd seat Neo, at ang Bolts twin na 4th and 5th seat ng 12th District," mahabang eksplenasyon ni Cyndi.

Ang misyon na ito ay dapat sa buong 12th District, ngunit may ibang misyon sila Kapitan Hagoi, at Vice-captain Jenkins, kaya naghanap sila ng pansamantalang Officer-In-Charge ng Security Team ng Palasyo ng mga Amonta.  

"Sandali lamang po Commander-In-Chief, masyado pa pong maaga ang palaging pag lagay sa Bolts Twin sa mga delikadong misyon," paliwanag ng pagtutol ni Mysharona.

"Naiintindihan kita Kapitana Bolts, pero mas mainam na masanay na sila. Hindi na sila bata— pinasok nila ang maging W.A.R.D.S—alam na nila ang mga naka ambang panganib sa kanilang buhay." Matapos ay inilipat muli ni Cyndi ang pahina ng papel na hawak niya.

"3rd seat Neo, ikaw naman ang magiging bantay ni Princessa Bersalia. Inihahanda naman namin ang Security team ng paramater sa loob, at labas ng district 5 pinangungunahan ito nila; Kapitana Hardstone ng 5th District, Kapitan  Ali baba ng 8th District , at Kapitana Bayl ng 10th District." Matapos ay tumayo si Cyndi, senyales na tapos na ang pagpupulong at pwede ng simulan ang misyon.

Tumayo naman ang tatlong nandoon, matapos ay sumaludo ang mga ito kay Cyndi.

Dahang-dahan namang tumingin si Levi sa likuran niya dahil parang kakaiba ang nararamdaman niya. Tumataas ang balahibo niya, at bigla siyang kinilabutan. Nang ganap na siyang napatingin sa likod nakita niya ang dalawang Kapitana na nakatitig sa kanya na parang gusto siyang balatan ng buhay, kaya dali-dali siyang lumabas ng Opisina.

"Parang malabo ata akong maka hipo sa Golden Osus ng mga ito—baka bago palang ako makalapit patay na ako," wika ni Levi sa kanyang sarili at ramdam niya parin ang titig ng dalawang Kapitana.

***

Habang naglalakad si Levi ay hindi niya maiwasang hindi tumingin sa likod niya dahil baka nasa likod niya ang mga baliw na iyon. Nang maibalik niya ang kanyang paningin sa daan, ay hindi niya alintana ang nakausling tiles na may malaking bitak dahilan para mapatid siya. Pero bago siya matumba ay tumama ang mukha niya sa isang papaya. "Pasensya na," wika ng babaeng nagmamaya-ari ng papaya na iyon.

"Wow, kung may Golden Osus, ito naman ay Jabomba—grabe ang laki, at ang lambot," wika ni Levi sa isipan niya habang nakadikit parin ang mukha nito sa papaya ng babaeng iyon.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon