Chapter 25
Who Is The Strongest?
Habang tumatakbo si Levi papunta sa kanilang pick up point, ay naalala niya ang sinabi ni Dyone. Maaring alam ni Yeurwan na pwedeng mabawi ang Prinsesa, at alam ni Yeurwan ang magiging takbo nito. Kaya naman binigyan ni Dyone ng special task si Levi, na hanapin ang Prinsesa.
Ayon sa kanilang plano kapag nagkaroon ng pagkakataon si Alear na makuha ang prinsesa, ay gagamitin nito ang abilidad niya na kayang mapunta sa lugar na may layong 20 metro. Maraming abilidad ang meron ang Perks ni Alear, kaya palagi siyang kasama sa mga sekretong operasyon.
Bigla namang may nagpakita sa harap niya, ito ay walamg iba kung hindi si Yeurwan. Inaasahan naman ito ni Levi, dahil simula't sapul ng magkita silang dalawa ay itinuturing niya na itong mortal na kalaban. Pakiramdam niya ay matagal na niyang hinahanap ang taong ito, parang meron silang dating sumpaan na may tatapusing laban.
"Pasensya na 3rd seat at nahuli ako," saad ni Yeurwan.
Matiim lang siyang nakatitig kay Yeurwan, mabilis naman niyang tinawag ang Perks niya. " Victtious Eius: Von Harlen," usal niya.
Napangiti naman si Yeurwan, nang makita niya ang pagbabago sa Perks ni Levi. Maging ang energy pressure nito ay mas lalong lumakas, kumpara sa huli silang nagharap.
"Burn them by their sin: Pygrimidar," tawag naman sa kanyang Perks.
Walang sabi-sabi ay kapwa silang nawala, para silang kulog at kidlat sa kalangitan. Sa bawat palitan nila ng atake ay nakakagawa sila, nang pagyanig.
Agresibong umaatake si Levi at patuloy sa pag gamit ng kanyang kalamangan, dahil mas malakas ang kanyang Perks sa gabi. Kaya hirap si Yeurwan na ilagan ang mga atake ni Levi, pero dahil napalisto at alerto niya ay na iilagan at nasasalag naman niya ang mga atake ni Yeurwan.
Kinuha ni Levi ang baril niya at itinutok kay Yeurwan, sunod-sunod na pagpapakawala ng energy bullet ang ginawa ni Levi. Hindi pa siya tapos, dahil nawala siyang bigla at napunta sa pwesto ni Yeurwan.
May dugong tumilapon sa lupa, dahil natamaan ni Levi si Yeurwan sa bandang tiyan. Napababa naman si Yeurwan galing sa ere, habang hawak-hawak niya ang parte ng katawan niyang nahiwa at sabay na ngumiti.
Mabilis nawala si Yeurwan, na ikinagulat naman ni Levi. Alisto naman si Levi, pero sadyang nag iba ang galaw ni Yeurwan. Mas naging mabilis ito, at siya naman ang nasa agresibong pag atake.
Hindi naman hinayaan ni Levi, dahil ayaw na niya maulit ang nangyari noon. Pabilis ng pabilis si Yeurwan, at dalawang beses niyang natamaan si Levi sa tiyan, at dibdib.
"Napakalaki ng pinagbago mo, maari na rin kitang ikonsiderang panganib sa buhay ko," saad ni Yeurwan.
"Malakas ka ngang talagang hindot ka. Teka nga bakit gusto mong dukutin ang Prinsesa?" saad ni Levi.
"May gusto ka ba sa Prinsesa?"
Hindi naman nagsalita si Yeurwan, bagkus ay ngumiti lang ito ng mapait.
"Ay ayaw sumagot, ah... Siguro may pagnanasa ka sa Prinsesa ano," saad ni Levi, na may halong pang aalaska.
"Hoy! Wala akong sinabing ganyan, siraulo ka talaga," pikong turan ni Yeurwan.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...