CHAPTER 12
NEW PEOPLE LIBERATION ARMY
Nang marinig nila Edison, Zam, James, at Justfer ang sigaw ng isa sa mga kawal na iyon ay agad silang tumayo," Kamahalan dito muna kayo, at pupuntahan namin iyon," ani Edison.
Tumingin naman si Edison kay Justfer para iparating dito na manatili siya sa kwarto para samahan ang hari.
"Kapitan ang anak ko nalang nakikiusap ako," wika ni Artemmiu.
"Ako na po ang bahala sa mahal na Prinsesa," suhesyon ni James, at tumingin ito kila Zam, at Edison.
Sinangayunan naman ito ng dalawang Bise-kapitan. Kaya nagpatuloy na sila sa kani-kanilang mga destinasyon.
Habang tinatahak nila Zam, at Edison ang lugar kung saan nila nararamdaman ang prisensya ng sinasabi ng kawal kanina ay hindi maipaliwanag ni Edison ang kanyang nararamdaman. Takot. Kaba. Hindi mawala ang bigat ng pakiramdam na iyon.
"Vice-captain Royston," tawag ni Zam dito, dahil nakikita niya ang pagkalito ni Edison.
Napapikit si Edison at minulat niya muli ang kanyang mga mata. Ito ang unang misyon niya na maari siyang makipag laban. Isa lang din siya sa bagong Bise-kapitan na wala pang ekspiryensa sa ganitong labanan. Nakapag tapos siya sa Central na may mataas na karangalan, ngunit kapos siya sa ikspiriyensa.
Bigla nalang bumulagta si Edison. Galing ito sa isang brasong sumalubong sa kanya. Hindi rin niya napansin iyon sa mga bagabag na dala ng isipan niya.
"Vice-captain Royston," sigaw ni Zam.
"Tama nga si Yeurwan," wika ng lalaki na dahilan para bumulgta si Edison. Siya ay si Méméntio
"Ano pa nga ba?" walang ganang sagot ng batang nasa 13 taong gulang na si Jeneva, na hawak ang manika nito.
Nilabas ni Zam ang kanyang Perks para agad na makaresponde kay Edison. "War, Saberius (The Hero Of Xiumitous: The Tribal Birth Place of Saberius.)
Mula sa kanyang kamay ay may lumabas na isang hugis sungay na armas, na kawangis ito ng katulad sa Mammoth.
Naglabas ng malakas na kapangyarihan si Zam, kasabay non ay parang may umihip ng isang trumpeta ng digmaan. Nagbigay ito ng ginhawa sa buong kawal ng House Amonta, at malinaw na kaisipan kay Edison.
Nakaramdam ng takot ang dalawang stranghero na nanloob sa Palasyo ng House Amonta. "Hmm, gusto ko ang takot na nararamdaman ko," nakangiting sambit ni Méméntio.
Mabilis na sumugod si Zam papunta kay Méméntio na nakatingin lang sa kanya. Mabilis naman iniwas iwasan nito ang mga atake na galing kay Zam. Kahit na nadagdagan nito ang lakas at bilis niya ay bakit kulang parin ito. Hindi niya matamaan ang lalaki na nakatayo lamang sa harap niya.
Hinawakan ni Méméntio ang armas ni Zam na hugis sungay ng Mammoth, at hinatak nito papalapit sa kanya. Isang straight sa mukha ang pinakawalan ni Méméntio, dahilan para tumalsik si Zam ng malayo.
"Ito na ba ang lakas ng mga opisyal ng Central," ani Méméntio habang dinadama nito ang palad nito, at hindi man lang nilingap ang takot na dala ng Perks ni Zam.
Tumayo naman si Zam, ganun din si Edison. " Vice-captain Royston, mukhang malakas ang unggoy na ito," mabigat na sambit ni Zam.
"Deadly by the strikes, Ulah'ar( A Demi-god who called by name as Emperor Of The Sky)" tawag ni Edison sa Perks niya.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...