Chapter 29

22 3 1
                                    

Chapter 29

Dont Worry, you are safe 

Matapos nilang makausap sina Hamour, at Yeurwan ay nagpatuloy na sila sa kanilang misyon—ang tuntunin ang kuta ng dalawang Kriminal. Sila ang mga Kriminal na hindi ordinaryo, dahil ayon sa report ay may mga Perks ang mga ito.

"Levi, Khalisia kayo ang magiging backline. Kami nila Khaliraia at 4th Seat Zarava ang sa frontline," pagpapaalala ni Edison sa kanilang strategy kanina bago pa sila makipagkita kina Hamour.

Napatingin naman si Levi sa 4th seat ng 11th District kung saan napapabilang si Edison, dahil para lamang itong napadaan na inutusan na maghanap ng pang gatong.

"Vice captain sigurado ka ba na ayan ang 4th seat ninyo, o baka nagkamali ka lang ng isinama," sarkastikong bulong ni Levi, at napatingin muli sa 4th seath ng 11th District na si Vilan na nakamasid sa kuta ng nasabing mga Kriminal, habang nangungulangot pa ito.

"Bakit ka nakatingin 3rd Seat Neo, gusto mo?" Tapos ay hinarap ni Vilan kay Levi ang binibilog niyang kulangot.

Napasinghap naman si Levi, dahil sa wirdong 4th seat na kasama nila. "Hindi ayoko salamat nalang, solohin mo nalang kulang pa sayo yan."

Matapos na magbigay ng instruction si Edison ay isinuot na nila ang kanilang kasuutan para sa kanilang assassination mission, para maging kaanib nila ang dilim ng gabi.

Dahang-dahan nilang binabagtas ang maliit na kubo na may ilaw na galing sa lampara, at marahan nilang inaapak ang kanilang mga paa para hindi sila mapansin ng kanilang target.

Para silang isang maninila na dahang-dahan lumalapit sa teritoryo ng kanilang bibiktimahin, ngunit si Levi ang pakay ay ang pagmasdan ang bakat na likuran ni Khaliria, at aliw na aliw ito sa kanyang nakikita. "Alam mo 3rd seat napakamanyakis mo talaga kapatid ko iyan," bulong ni Khalisia.

Napatigil naman si Levi sa kanyang kalokohan, dahil napuna siya ni Khalisia lalo na ang kanyang kamanyakisan.

Biglang minuwestra ni Edison ang kanyang kamay na nakakuyom, para patigilin ang grupo nina Levi.

Naramdaman ni Edison na parang may mali, dahil masyado atang kampante ang dalawang kriminal na nasa loob ng kubo—dahil masyadong maaga natulog ang mga ito na dapat ay nasa labas na sila.

"Levi, humanda kayo sa hindi natin aasahang pangyayari," bulong ni Edison, matapos niyang pindutin ang earpiece niya.

Habang naghihintay sila ng pagkakataon ay pinagmamasdan lang nila ang kubo, at pinakikiramdaman kung lalabas ang dalawang kriminal.

Biglang namatay ang ilaw kaya ay inihanda ng grupo ni Edison ang kanilang sarili, dahil may hindi sila inaasahang pangyayari.

Kasabay ng pagwala ng liwanag sa kubo ay naramdaman nila na may atake na bumubulosok papunta sa kanila—na galing sa taas.

"Law Of Shapening: The Mortal's prayer," usal ni Vilan.

Matapos mai-usal ni Vilan ang salitang iyon ay may isang enehiyang biglang pumigil, at naging kalasag nila laban sa atake galing sa itaas.

Mabilis namang nawala ang umatake na iyon— na si Hemuel— at nag punta sa kasama niya na si Juanma.

"Magaling mukhang nasa mataas na ranggo ang mga ito, napaka alerto nila," wika ni Hemuel, at matunog na ngumiti ito.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon