Chapter 30
The Limitation
Matapos mailabas ni Levi ang kanyang Perks ay tinignan niya si Khalisia, para kumpirmahin kung handa na ba talaga siya para sa mga susunod na mangyayari. Bago ibalik ni Levi ang kanyang paningin ay nasa harap na niya si Juanma, kaya naman ay sinalag niya ang atake na ginawa nito.
Matapos masalag ni Levi ang atake ni Juanma ay nagulat ito, dahil isang atake mula kay Khalisia ang sumalubong sa dito.
Napakabilis nito at napakalakas hindi pangkaraniwang atake ito, dahil nang makita niya si Khalisia ay nagliliwanag ito. Kulay bughaw ang liwanag na bumabalot dito, at ramdam ni Juanma ang dumadaloy na kapangyarihan sa batang 4th seat ng 12th district na si Khalisia.
Pinagpag ni Juanma ang kanyang suot, matapos ay dahang-dahan itong pumalakpak. "Napakahusay," sarkastikong wika nito.
Matapos magsalita ni Juanma ay nanlaki ang mata nito sa gulat, dahil si Khalisia at Levi ay nasa harap na agad niya. Mabilis na inilagan ni Juanma ang atake ng dalawa, dahilan para magulat sina Levi at Khalisia dahil sa bilis na taglay na meron din si Juanma.
Hindi nagpatinag ang dalawa at patuloy sa pag atake, habang si Juanma naman ay swabeng iniilagan ang atake ng dalawa.
"Night fall weaver," sigaw ni Levi, matapos ay naglabas ng isang malakas na enerhiyang itim na may halong pula.
Nagmistulang mukha ng isang nilalang ang enerhiyang nilabas ni Levi, dahilan para mabigyan ng kaonting kaba si Juanma. Bukod sa nakakatakot ang porma ng enerhiyang lumabas sa espada ni Levi ay napakalakas ng kapangyarihan na ito—ramdam ito ng buong sistema niya
"Darkness' Hunger," usal ni Juanma at galing sa lupa ay may lumabas na isang bunganga na gawa sa enerhiyang itim, at nilamon ang kapangyarihang inilabas ni Levi galing sa espada niya.
Matapos ng malakas na pagsabog ay nawala na ang usok na galing dito, dahilan para sumugod ulit sina Levi Khalisia.
Sa pag papatuloy ng walang humpay na palitan ng atake ay napansin ni Levi na hinahapo na si Khalisia at nagsimula ng mabahala ito, dahil ito na ang senyales na malapit na si Khalisia sa kanyang limitasyon.
Nagulat nalang si Levi ng walang pag aalinlangang sumugod si Khalisia, ngunit sa kasamaang palad ay nailagan naman ni Juanma ang mabilis na atake ni Khalisia at sinipa niya ito.
Nasalag naman ni Khalisia ang sipa na iyon, ngunit sa lakas nito ay tumalsik ito, mabuti nalang ay nasalo siya ni Levi.
Natuwa naman si Levi, dahil nang masalo niya si Khalisia ay dumikit ang likuran nito sa katangi-tangi ni Levi, at wala sa isip niya na dakot-dakot niya ang bubot na papaya ni Khalisia.
Walang paglagyan ang kasiyahang nararamdaman ng hindot na si Levi, ngunit lingid sa kaalamanan niya ay napansin iyon ni Khalisia. "Pwede ba 3rd seat Neo, itigil mo nga iyang kamanyakisan mo." Angil ni Khalisia.
"P-psensya na 4th seat," wika ni Levi, matapos ay mabilis niyang binitawa ang bubot na papaya ni Khalisia.
"Dito ka nalang muna, at bawiin mo saglit ang lakas mo. Ako muna ang bahala dito," utos ni Levi.
"Hindi ako papayag! Ayaw ko na manood lang," angil ni Khalisia.
"Iyan ang utos ko bilang opisyal mo. Minsan kailangan mong huminahon, para sa ganitong sitwasyon," wala sa malay ni Levi na napataas ng kaonti ang kanyang boses.
"Hindi masama na umabot tayo sa ating limitasyon, dahil ang mahalaga ay makaligtas tayo sa bawat atake at pagkakataong hindi maganda. Tandaan mo na magkakaroon lang tayo ng totoong limitasyon kapag patay na tayo." Dugtong muli ni Levi.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...