Chapter 1

450 43 176
                                    

Chapter 1

The Accidental Encounter.

Note: Credit sa Artists ng mga Photos. Hindi ko po ito pag mamay-ari, ito ay para lang may mai-magine po kayo kung ano ang hitsura nila.

District 12: Island Of Xelophorbes

NE: Year 150

Mabilis na tumatakbo si Leviticus habang hinahabol niya ang isa sa mga  opisyal ng rebeldeng nakakuha sa  dalawang siyudad ng 5th district.

Siya ay si Bakuhr Kalawani siya ang isa sa mga opisyal ng Jar'ghal. Sila ang mga rebelde na isa sa faction ng Wings Of Sca'arg/Hand of Sca'arg.

"Commander Harbaut, kasalukuyan naming hinahabol si Kalawani. Papunta siya sa tulay ng Isla ng Xelophorbes." Kahit na kausap niya ang kanyang Commander ay sinisuguro niya na nasa paningin parin niya si Bakuhr Kalawani.

"Levi boy, magiingat kayo tatawag narin ako sa Malaya Central para humingi ng W.A.R.D.S, para sila na ang bahala sa lokong yan."  Pakli ng kanilang Commander ng City patrol unit.

"Pero hindi ko mapapangako Commander-- Dahil pag nagkaroon ako ng pagkakataon ay papatayin ko na ang salot na ito." Pabirong turan ni Leviticus.

"Kung kaya mo. Eh hindi mo pa nga naabutan eh." Pang aalaska ng kanyang Commander na si Jake Harbaut.

Matapos nilang magusap ay napatigil ang kanyang grupo.

"Tenyente napainan tayo ng unggoy." Wika ng isa sa kanyang mga tauhan.

Nakita nilang bumukas ang portal, at naglabasan ang mga halimaw dito kasama ang mga rebeldeng  Jar'ghal.

"Kawawang mga City patrol." Nakangiti si Bakuhr sa kanila.

"Wala kayong laban sa labas ng Siyudad, at wala kayong alam sa malawakang labanan." Dagdag pa nito.

"On your position." Wika ni Leviticus, at mariing nakatingin kay Bakuhr.

Inilabas naman ng kanyang mga tauhan ang kanilang Tirium Rifle at naghihintay na umaksyon ang mga rebelde.

Sumugod na ang mga halimaw na tinatawag na Q910 kasama ang mga rebelde, at tumakbo palayo si Bakuhr.

"You give love a bad name." Wika ni Leviticus. "Sharp-Shooter"

Nagliwanag si Leviticus matapos ay isang baril ang nasa kamay niya, at spada naman ang nakasilid sa lagayan sa likuran niya.

"Spandau Ballet." Inangat ni Leviticus ang kanyang baril pataas, at kinalabit ang gantilyo, kasabay nito ang paghahanda sa pagpapaputok ng kanyang mga tauhan.

Nagtawanan naman ang mga rebelde habang pasugod sa kanila dahil wala naman lumabas na kung ano sa baril ni Leviticus.

Biglang may nagbagsakang ang malalaking energy bullets  galing sa taas na akala mo ay isang bala mula artillery, na halos umubos sa mga rebelde, at sa mga Q910. "Maintain on your position ako na ang bahala kay Kalawani."

Mabilis itong nawala, at hinarangan si Kalawani. "Saan ka pupunta?" Habang nakatutok ang baril niya kay Kalawani.

"Sa puso mo." Pamimilosopo ni Kalawani.

Biglang may sigawan siyang narinig, at sunod-sunod na putukan, kasabay nito ay ang pagbagsak ni Kalawani.

"Umalis na kayo dito, hindi na ito saklaw ng laban niyo." Wika ng isang babaeng naka coat, at may nakalagay na W.A.R.D.S sa likod nito, at may numero na hindi makita dahil hinahangin ito, naka bionic mask pa ito, na tinanggal pa nito, at sabay na humarap.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon