Chapter 5
Dodong
Note: Credit sa Artists ng mga Photos. Hindi ko po ito pag mamay-ari, ito ay para lang may mai-magine po kayo kung ano ang hitsura nila.
Mabilis namang umilag si Leviticus sa atake ng lalakeng nakaitim na maskara, at jacket. Muli naman itong sumugod sa kanya ngunit nakita niyang nilabas nito ang perks nito. "Pierce Them". "Vladimir."
Nakakagulat ang mga naglabasang blade sa kanyang mga katawan, na sa bawat labas ay tinutumbok si Leviticus.
"Pierce them sa imong buli." Angil ni Leviticus.
"You give love a bad name." Sabay lumabas ang kanyang Perks. "Sharp Shooter."
Imbes na baril ay espada ang kanyang gamit, mas mainam ito dahil hindi siya makakasira ng maraming bagay, at pabor dahil gabi ngayon.
Panay salag niya sa mga blade na lumalabas sa kalaban niya, gamit ang espada niya.
"3rd seat." Sigaw ni Khaliraia na nakasuot ng pajama kasama ang kakambal niya, at napatingin naman si Leviticus sa kanya.
Hindi nag dalawang isip ang kalaban na tumbukin si Khaliraia na nakatingin na lamang sa gulat.
Mabilis na nawala si Leviticus, at sinalag niya ng kanyang espada ang blade na babaon na sana kay Khaliraia, nasalag naman ito ni Leviticus, ngunit sa kasamaang palad yung blade ng espada niya ang tinamaan kaya alam niyang lilisya ito, kaya pinihit niya ito papunta sa balikat niya. Kung hindi niya gagawin yun ay si khalishia na kambal naman ni Khaliraia ang tatamaan.
Tumusok kay Leviticus ang blade na iyon, kaya napangiwi pa siya, at nabitawan ang espada niya, at kinuha ang baril sa kanang bahagi ng hita niya kung saan nakasilid ito. Nahihirapan naman siya dahil unti-unting binabaon ng kalaban ang blade sa balikat niya.
Nang mabunot niya ay tinutok niya agad ang baril sa pwesto ng kalaban. "Bullet for my Valentine."
Isang malakas na pag sabog ang nagawa ng kalabitin ni Leviticus iyon, na nagpagising sa lahat ng nasa Central, na nagpahiyaw naman sa lalaking spiya ng Hand Of Sca'arg.
Nakaramdam naman si Leviticus ng panghihina, pagkahilo, at nawalan na siya ng Malay ng tuluyan.
"Hindot ka! Ayoko pang mamatay. Gusto ko pa makakita ng mga buhay na papaya." Aniya sa sarili niya.
Habang wala namang malay ay nagdatingan ang ibang Kapitana, at kapitan biglang lumitaw si Alibaba Slick na Kapitan ng 8th District para habulin ang tumakbong sugatan na ispiya.
"Dalhin niyo agad siya sa medical facility. Ako na ang bahala don." Ani Alibaba, at lumagpas na ng pader ng Central, may hawak ito na bamboo stick na nasa anim na talampakan.
Ilang araw na ang nakalipas ng mangyari ang incidente, ay may mga gumagawa ng mga inprastaktura na nasira dulot ng pgsabog galing sa itinira ni Leviticus.Naglalakad naman si Jake na commander ng buong City Patrol papunta sa Medical Facility kung nasaan ngayon si Leviticus.
Nang nasa room number na si Jake ay kumatok muna ito bago pumasok.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...