Chapter 24
Night Crawler
Ilang araw na ang nakakalipas ng nagsimula ang special training ni Levi, pakiramdam niya ay masyado siyang nabugbog sa laban. Akala niya na hindi siya mahihirapan, dahil si Homour lang ang sparring partner niya. Pero lingid sa kaalamanan niya, ay kasama si Mysharona sa parte ng huling training niya.Naalala ni Levi kung paano siya na-body bag ni Mysharona, kahit na tinawag niya ang Perks niya. Pero sa isang banda ay habang papalapit na ang oras ng kanilang pagsasagawa sa misyon, ay lalo nagsisilakbo ang buong sistema niya.
Sa kalaliman ng iniisip niya ay nagulat siya ng biglang sumubsob ang mukha niya sa papaya, at papaya ni Kimi iyon. Hindi niya napansin na nasa gilid na niya ito, at mabilisang kinuha ang ulo nito para yakapin, pero una mukha ni Levi sa papaya nito.
"Okay ka na?" nakangiti naman si Kimi sa kanya, at inalis na ang mukha nito sa kanyang papaya.
Napatango naman si Levi, at mabilis na napadako ang tingin kay Mysharona na nakaangat ang kilay at nakairap pa ito.
"Gusto ka daw kausapin ni Kapitana Bolts ng dalawa lang daw kayo, kaso tulala ka kaya ginising muna kita," dagdag pa ni Kimi, at iniwan na silang dalawa, at simpleng tumitig kay Mysharona.
Umupo naman si Mysharona sa tabi niya, at hindi pa nagsasalita, kaya parang hindi mapakali si Levi, dahil baka bigla siyang patayin nito.
"Levi, mahalaga ang misyon na ito, wag mo hayaang mabigo ito." Sabay tumayo si Mysharona at naglakad na palayo kay Levi. "Meron ka pang 5 minuto," pahabol nito.
District 12: Autonomous Province Of Shalara
Time: 1am
Mission: Do or Die
Habang sakay sila ng kanilang special OPS anti-detector-vehicle, ay tinatalakay ni Dyone ang kanilang mga parte na gagawin sa rescue mission. "Tayo ay ang Ambush Team, tayo ang mag aabang kung may sakaling labanan na mangyayari," saad ni Dyone.
"Ang grupo naman ni Kapitana Saladeeni ay ang Non-combatant unit, sila ang magsasagawa ng rescue operation. Sanay na sila sa ganitong klase ng mga misyon." Matapos ay itinuro ni Dyone ang isang lokasyon sa mapa, kung saan gagalaw ang grupo nila Kapitana Saladeeni.
"Ang ikatlong grupo naman ay ang grupo ni Kapitana Hardstone na Anti-ambush unit, kung saan sila ang magiging mata ng ating parameter, bihasa siya sa ganitong klaseng misyon." Matapos ay tiniklop na ni Dyone ang mapa.
Tatlong team ang binuo nila para masiguro ang pagbawi sa Prinsesa, isa ito sa pinakamalaking misyon na dapat nilang mapagtagumpayan.
Ang unang grupo ay ang non-combatant unit na pinangungunahan nina; Kapitana Saladeeni, Bise-kapitana Redstar, Bise-kapitana Ashley, Bise-kapitan Ameda, at Bise-kapitana Windsor. Sila ang magsasagawa ng rescue operation.
Ang ikalawang grupo ay ang Anti-ambush unit na pinangungunahan nina; Kapitana Hardstone, Bise-kapitana Hay, 3rd seat Glassgow, at Bise-kapitan Kaza. Sila naman ang magsisilbing mata ng buong parameter ng area ng pagsasagawaan ng misyon para maiwasan ang ano mang pananambang.
Pangatlo ang Ambush/Assault-unit na pinangungunahan nina; Kapitana Palmera, Bise-kapitana Bass, Bise-kapitan Royston, at ni Levi. Sila ang nasa opensang banda ng special OPS na ito, sila ang ang aatake kung kinakailangan para sa kanilang Flanking strategy.
Nakadating na ang tatlong unit sa kanilang waypoint location, kung saan sila aabangan ng kanilang mga sasakyan pag nagtagumpay sila sa kanilang misyon, at ihahatid pabalik.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...