Chapter 14
The Intentions
Ilang linggo narin ang nakakalipas, tahimik ngayon ang buong Malaya matapos ang samo't-saring kaguluhan. Malaya at masayang pumapagaspas ang mga ibon, ang mabining ihip ng hangin, ang payapang paghampas ng alon, mga tinig ng mga taong masayang nagsasalo salo sa Beach na na-clear out noon nila Levi sa isang higanteng Q910. Walang nakakasiguro sa pansamantalang kapayapaan matapos manghimasok ang Grupong New People Liberation Army sa Palasyo ng District 5.
Sa isang kwarto na walang makikitang kahit na ano bukod sa kaputian nito ay nakaupo si Levi sa isang upuan, at kaharap niya ang Kapitana ng 4th District at ng Interrogation Department na si Princess Saladeeni.
Madiing pinagmamasdan ni Princess si Levi na binaliwala ang mga balibalitang pilyo daw ito. Pamilyar din siya dito dahil isa siya sa mga babaeng nasa loob ng bihisan noon—maging si Levi ay pamilyar din sa Kapitana na ito.
Pabalik-balik naman ang tingin ni Levi sa mukha, at papaya ni Princess na may katamtamang laki. Nahahagip din nito ang makipot na bewang nito, at parang pabilog na kurba ng balakang pati narin ang pwet nito, na kahit na naka de quatro itong nakaupo sa ibabaw ng lamesa ay halata ang magandang hubog ng katawan nito.
Hindi parin natitinag si Princess, at madiin parin niyang tinititigan—ng malamig—si Levi na parang inoobserbahan niya ang kilos nito. Wala naman siyang pakialam sa kapilyuhan ni Levi.
"Sabihin mo sakin 3rd seat Neo, palabas niyo lang ba ang lahat ni Commander Harbaut na dukutin ka. Para maisakatuparan ninyo o, mapagplanuhan ang inyong hakbang rebelyon sa Malaya," unang bungad ni Princess.
Nagulat naman siya sa tanong ni Princess kaya naman inayos niya ang kanyang sarili, "Wala akong alam sa mga binibintang niyo sakin,"
"Pasensya na pero kailangan ka din naming inbestigahan, dahil malapit siya sayo," paliwanag ni Princess.
"May ginawa ba sayo si Commander Harbaut, o meron ba siyang kahit na anong idelohiya na pinamamahagi sayo, o ano mang doktrina ukol sa rebelyon?" sunod na tanong ni Princess.
Umiling naman si Levi dahil, wala naman talaga siyang alam sa mga tinatanong ng taong nasa harapan niya. Tanging ang magandang kurba lang, at magandang pwet lang nito ang pakialam nito. Pero may natatandaan siyang sinabi ni Jake na may ipapaliwanag daw ito na hindi natuloy, dahil sa mga kaganapang napakabilis na nangyari sa Exsor.
Umalis naman sa pagkakaupo si Princess sabay dinaklot sa likod ng kwelyo si Levi, at binitbit, matapos ay inihagis palabas ng departamento niya. "Sige pwede ka na makaalis, salamat sa iyong kooperasyon," walang ganang sambit nito.
"Ano may nakalap ka ba na inpormasyon Kapitana Saladeeni," tanong ni Mysharona kay Princess ng mawala na si Levi.
"Wala na kahit anong inpormasyon patungkol sa rebelyon at kay Kapitan Harbaut, ang nakalap ko lang ay tama nga ang mga balita na manyakis ang 3rd seat na iyon," paliwanag ni Princess sabay tinulak na si Mysharona palabas ng Departamento niya."Makakaalis ka na Kapitana Bolts."
"Ano ba Kapitana Saladeeni, dito muna ako," bulalas ni Mysharona na parang bata.
"Tatambay ka lang dito, at matutulog." Patuloy parin si Princess sa pagtulak kay Mysharona palabas. "Pwede ka na ding umalis."
Nagpapadyak naman si Mysharona na parang bata, dahil ayaw niya pang bumalik sa kanyang opisina. Masyado siyang na-stress sa mga operation tactics na tatapusin pa niya.
Bilang Special OPS Commander siya ang nagbibigay ng mga order, at strategy para sa kanilang special operation. Siya ang founder ng Mountain Viper Ambush Team: Sila ay eksperto sa mga bundok, gubat at para sa ambush warfare tactics, itong Special Ops na ito ay kinatatakutan sa Mountain District o kilala bilang District 1.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...