Chapter 33

15 2 0
                                    

Chapter 33

THE UNIDENTIFIED FIENDS

Matiim pa rin na nakikiramdam sina Levi at Khalisia, dahil ano mang oras ay aatake si Juanma galing sa kung saan.

"Khalisia, kung sakali man na sabihin kong tumakbo ka papunta kila Vice captain Royston gawin mo," untag ni Levi habang hawak-hawak ang kanyang tiyan.

"Hindi! Ayoko 3rd seat," wika ni Khalisia na may buong pagtutol.

"Sundin mo ako, dahil ako ang opisyal mo at yan ang utos ko," wika ni Levi, at pahina nang pahina ang mga salitang lumalabas sa kanya, dahil sa dugong nawawala sa kanya.

Napatungo nalang si Khalisia, at hindi na umimik pa. Alam niyang malabo nilang matalo ang Juanma na iyon, dahil sa kalagayan ni Levi.

"Khalisia may plano ako," wika ni Levi, at nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga nito.

Matapos maibulong ni Levi ay hindi pa rin niya tinatanggal ang kanyang bibig sa tainga ni Khalisia, dahil hinahalik halikan niya ito.

"3rd seat ano ba, napaka manyakis mo talaga." Sabay tulak ni Khalisia kay Levi palayo.

"Pwede na ako mamatay," bulong ni Levi sa kanyang sarili.

"Ihanda mo na ang sarili mo 4th seat." Sabay inangat ni Levi ang kanyang baril, at sabay kinalabit. " Spandau ballet,"

Matapos niyang kalabitin ay nagliwanag ang paligid, at pinakita nito si Juanma na naka tayo sa sanga ng puno ng may pagkagulat.

Hindi pa ito tapos, dahil matapos ng liwanag ay may nagbagsakang mga malalaking energy bullet na animo'y bala galing sa isang Artillery Weapon.

Nang makita ni Khalisia si Juanma ay mabilis itong nawala, at inatake nito si Juanma. Hindi lang basta atake iyon, dahil bitbit ni Khalisia si Levi sa ere, at nagmistulang isang battering ram ito.

Isang tagumpay na atake ito, dahil hindi naiwasan ni Juanma ang pagtarak ni Levi ng kanyang espada kay Juanma, dahil sa napakabilis na pangyayaring iyon.

Madaling inutusan ni Levi si Khalisia na umalis na sila sa pwesto, dahil may naramdaman bigla si Levi na mas lumalakas na negatibong enerhiya galing kay Juanma.

"Oh giliw! Hindi pa ata dito matatapos ang gagong ito," wika ni Levi sa kanyang sarili.

"4th Seat ihanda mo ang sarili mo, dahil hindi pa ito tapos," mahigpit na hinawakan ni Levi ang kanyang tiyan na patuloy pa rin ang pag agos ng dugo.

Biglang naman nag pakawala ng malakas na pwersa si Juanma, at unting-unti itong nagbago ng anyo.

Nag iba ang anyo nito, dahil mula sa pagiging tao ay nagmistulang isang aninong nilalang ito—isang taong paniki ang pigura nito na may sungay.

Naalala bigla ni Levi ang misyon niya noon kasama si Kimi sa bapor, dahil sa kondisyon ni Romolus na biktima ng forbiden genetic mutation na isinagawa ng Jar'ghal.

"4th Seat medyo makikipag tagutaguan muna tayo sa kanya," wika ni Levi.

Alam niyang mapapalaban sila ng husto kay Juanma kaya kailangan nilang magplano, at makabawi ng lakas—at para mabigyan niya ng unang lunas ang sarili niya.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon