Chapter 27

17 2 0
                                    

Chapter 27

Season 1-II

The True Mission

"Gising na, dahil pag hindi ka gumising s-sige k-ka," boses ng isang babae galing sa kanyang alarm clock.

Pinindot naman ni Levi ang button na nakalagay sa mismong parteng cake ng alarm clock na hugis babae, at biglang may mahinang ungol ang nanggaling sa alarm clock na hugis babae na iyon.

Mabigat na ibinangon ni Levi ang kanyang katawan, gawa ng kasabihang napakalakas ng gravity sa umaga. At ngayon nalamang siya nakaranas ulit na makatulog ng normal, at maaliw tuwing umaga.

Matapos niya mag unat ay naglakad na siya papunta sa pinto, dahil naamoy na nito ang umagahan na pinerepara ng kanyang ina.

"Salamat makakain na din ulit ako ng luto ni Mamshoes," wika ni Levi sa kanyang sarili, at tumuloy muna siya sa banyo para mag hilamos.

Sa kabilang banda ay nag hahanda naman ng agahan ang Ina ni Levi na si Eden, at biglang may kumatok sa pinto kaya madali itong pumunta sa pinto at pinagbuksan ito.

Nanlaki ang mata ni Eden, dahil mga W.A.R.D.S ang mga ito base sa uniporme nito—bukod ay mga opisyal pa ito.

Ang mga W.A.R.D.S na ito ay sina; Khalisia, Khaliraia at Kimi na kasama ni Levi sa W.A.R.D.S ng District 12.

"Ano po ang sadya natin?" tanong ni Eden.

"Nandito po kami para kay 3rd seat Neo," kaswal na sagot ni Kimi.

Tumabi ng kaonti ang Ina ni Levi para papasukin ang mga ito, at saka niya sinamahan sa sala.

"Dito po ang aming sala, pakihintay nalang po si Levi." Sabay ngiti ni Eden, at bumalik na sa lamesa—na hindi kalayuan sa sala— para ituloy ang pag hahanda ng umagahan.

Hindi makapaniwala sina Kimi at ang Bolts twin, dahil sobrang bata tignan ng ina ni Levi. Bukod doon ay napakaganda nito sa asul na buhok, at maiksing buhok nito—na apple cut.

"Officers kamusta naman po ang hindot kong anak— na si Levi," wika ni Eden na normal lang sambitin ang salitang "Hindot."

"Ayos lang po malaking tulong nga po siya sa amin ngayon, dahil nga diyan kaya narito kami." Mahigpit ang pagkakapisil ni Kimi sa kanyang kamay.

"Anong ibig mong sabihin?" Habang patuloy sa pag hahanda si Eden ng umagahan.

"Pinababalik na po agad siya, dahil may mahalagang misyon po na inassign sa kanya," paliwanag ni Kimi at nanginginig pa rin ito, dahil sa kakaibang aura ni Eden, at sa pananalita nito.

"Okay! Pero yung ka manyakisan ba ng anak ko kamusta?" Napatingin naman si Eden kay Kimi matapos nito sa paghahanda ng umagahan.

Nagulat si Kimi sa tanong ni Eden, dahilan para mapasinghap siya at matulala.

Kahit hindi man sabihin ni Kimi ay alam ni Eden na marami na ang nabiktima ng anak niya, dahil alam niya kung gaano ito ka gago.

"Pasensya na kayo sa anak kong si Levi gago talaga yang batang iyan, pero napaka bait naman niyan." Matapos ay umupo siya sa isang pang bakanteng sofa.

"Ewan ko ba sa hindot na iyan, at hindi ko alam kung saan natuto ng kagaguhan iyan, at hindi ko din alam kung saan niya nakukuha ang 4TheBoys magazine na nakikita ko, dahil kung saan saan nya lang tinatago."

"Bata palang ang hindot na iyan pilyo na talaga, kung hindi siya mamamalo ng pwet ng kaklase niyang babae ay makikita ko ang lunchbox niya na may panty ng mga kaklase niyang babae." Sabay ngumiti pa ito habang naalala ang mukha ni Levi noon.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon