CHAPTER 19
Devil's Advocate
Habang nakaupo si Yeurwan hawak-hawak ang scroll na may mensahe ni Jake, ay puno ito ng pagtataka.
Bakit kailangan siya makausap ng tao na iyon?
Ilang araw nadin ang nakakalipas ng makuha nila ang Prinsesa ng 5th District, ay nag hihintay sila sa Hari na makipag usap sa kanila. Gusto niyang masagot ang lahat ng tanong niya, at gusto niyang ipagawa ang isang bagay na makakapagpalaya sa kanyang Distrikto.
Biglang lumapit si Ishkafel Nir'dheim—Ishir Fafar—na nagpanggap na tagapangala ni Prinsesa Bersalia. "Boss, nandiyan na sila." Matapos ay lumabas na ito ng pinto.
Bumuntong hininga ito bago tumayo, at ibinulsa ang scroll na hawak niya kanina. "Ano kaya ang gustong mangyari ng Hindot na ito," aniya sa kanyang sarili.
Nang makalabas na si Yeurwan, ay napansin niya si Jeneva na blanko ang ekspresyon. Puno ng takot ang mensahe ng kanyang blanko na ekspresyon.
"Ano ang nais mo Commander Jake Harbut ng Topheles na kilala bilang Jar'ghal ngayon?" sarkastikong sambit ni Yeurwan.
"Nandito ako sa ngalan ni Commander-in-chief Cyndi Ceds na Commander ng The Call of Malayan Central Rebellion. Nandito ako para sa diplomatikong pakikipag ugnayan," wikang panimula ni Jake.
"Boss Jake, hindi baga---" hindi na naituloy ni Bakuhr ang sasabihin niya, dahil kinarate chop ni Jake ang ulo niya.
"Sige tinatanggap ko ang inbitasyon mo Jake Harbut-- maupo kayo," paanyaya ni Yeurwan.
Habang nakaupo si Jake kasama si Bakuhr, ay titig na titig si Jeneva—na puno ng takot— habang ang ibang babae ay nakatitig ng may pagnanasa sa kanya. "Sino nga ang mag-aakalang, guwapo pala ang Commander ng maalamat na Topheles na ngayon ay tinatawag na Jar'ghal." Si Lyrewn—na kapatid ni Yeurwan— matapos ay nilagok ang alak na nasa basong hawak niya.
Ngiti lamang ang kanyang sinukli kay Lyrewn. Hindi umubra ang alindog ni Lyrewn kay Jake, kaya naman ay lalo itong nag-init.
"Commander pasensya na may pinakuha lang ako," wikang paumanhin ni Yeurwan, at pinaharap nito si Prinsesa Bersalia na puno ng pagkagulat.
"Sige na Ishkafel, ibalik mo na si Prinsesa Bersalia." Utos ni Yeurwan.
Matapos makaalis ni Ishkafel, ay inayos na ni Yeurwan ang kanyang sarili. "Ano ang nais mong pagusapan," ani Yeurwan.
"Hindi sang ayon si Commander-in-chief Cyndi Ceds, at ang ating pinuno na si Clemente Javerwok— maging ang buong miyembro nito— ukol sa pagdukot mo sa Prinsesa," derektang pahayag ni Jake.
Umayos ng upo si Yeurwan, at nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha."Bakit hindi kayo sang ayon?" mabilis na tanong ni Yeurwan.
"Walang makitang sapat na dahilan o proweba na kung ano man ang pagkakasangkot ng Hari-na makakapagpahayag na ginusto ito ng hari— para magsagawa kayo ng inyong hakbang," kalmadong pahayag ni Jake.
"Dahil sa Hari ng District 5, kung bakit hanggang ngayon ay naghihirap ang distrikto ko. Hindi siya pumirma sa petition namin para patalsikin ang Hari—at para makalaya ang distrikto ko sa pangaalipin nito," mahabang paliwanag ni Yeurwan.
"Kahit anong sabihin mo mali ka parin, dapat nakipag ugnayan ka sa amin hunghang," patay malisya na sabad ni Bakuhr.
"Ganito nalang Yeurwan, aalamin namin ni Bakuhr ang totoong rason, at ipangako mo na pakakawalan mo ang prinsesa. Higit sa lahat hihimukin ko si Commander-in-chief Ceds na gumawa ng hakbang para malaman kung sino talaga ang nasa ilalim ng mga anomalya na ito," mahabang paliwanag ni Jake.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...