Chapter 18
Mano Y Mano
Matapos nilang kumain ay nagdesisyon na sila Princess, at Mysharona na bumalik muna sa kanilang Unit base para mag endorse at mag check ng reports. Habang si Levi, at si Bersalia ay nasa High-garden parin at nakatingin sa bagong buwan na nagbibigay liwanag sa buong gabi.
Bigla namang may W.A.R.D.S na lumapit sa kanila. "3rd seat Neo may nais po na kumausap sa inyo," wika ng W.AR.D.S na iyon.
Nagulat siya ng lumingon siya sa boses ng W.A.R.D.S na iyon, dahil hindi siya makapaniwala na nandito ito.
"Everlasting, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Levi.
"Ungas ka talaga kuya, simula ng mabalitaan ni Mama ang nangyari sayo ay tinawagan niya agad si Papa." wika ni Everlasting na nakahalukipkip pa ito.
"Kaya nandito ako para tingnan kung buhay kapa, sinabi sakin ni Tito Jake na nasa mission ka daw." dugtong pa nito.
"Dumaan si Tito Jake sa bahay at sinabihan kami na wag na kaming mag alala. Pero siyempre hindi makikinig si Mama."
Sabay may ibinato si Everlasting sa kanyang nakakatandang kapatid na si Levi."Pinapabigay ni Mama, paborito mo. Siya mauna na ako marami pa kaming ide-deliver na order ungas!" Sabay nagpaalam na ito kay Prinsesa Bersalia, matapos ay umalis na ito.
Napangiti naman ng bahagya si Levi, dahil nangungulila na siya sa kanyang pamilya. Dahil ibang-iba na kasi ang kanyang trabaho ngayon isa na siyang sundalo na walang kasiguraduhan na makakauwi pa ng buhay.
"Levi," tawag ni Bersalia na may hawak ng baso na may lamang wine.
"Makakatulong iyan sige na,"
"Salamat kamahalan," wika ni Levi, sabay kinuha iyon.
"Alam mo ba ay nakakatakot ang digmaan, sana ay hindi na ito muling dumating," ani Bersalia habang nakatingin sa kalayuan.
"Hanggat may mga taong naghahangad ng kapayapaan, at may ipinaglalaban ay hindi matatapos ang digmaan," ani Levi, at nilagok ang baso na may laman na wine.
"Hanggat may mga taong may pusong mapaghiganti, hanggat may mga taong swapang sa mga bagay na meron ang mundong ito.. hanggat may taong nabubuhay hindi mawawala ang digmaan." Muling kumirot ang dibdib Levi, dahil naalala na naman niya ang nangyari noon ilang taon na ang nakakalipas.
"Kaya kung gusto natin ng kapayapaan ay dapat handa din tayo sa digmaan," wika ni Levi—na katagang sinasabi palagi ng kanyang Ama, at Ina.
Biglang nakaramdam ng isang presensya si Levi, kaya hinatak niya ang Prinsesa papunta sa kanya. At isang pagsabog ang naganap kaya tumilapon silang dalawa.
Pinipilit bumangon ni Levi, habang hinahanap ng paningin niya ang prinsesa. Nang masumpungan niya ito ay dali-dali siyang tumayo, at pumunta sa pwesto nito. "Prinsesa Bersalia," sigaw ni Levi.
May mga W. A. R. D. S naman ang nag sitakbuhan papunta sa kanila, kasama dito si Ishir na tagapangalaga ni Bersalia na bakas ang pagaalala.
"Dalhin niyo ang Prinsesa kina Kapitana Bolts, at Saldeeni." Mautoridad na utos ni Levi.
"Ginoong Ishir sumama ka sa kanila," dugtong pa nito.
Tumango naman si Ishir, at madaling inakay si Bersalia, at umalis kasama ang mga W.A.R.D.S.
Mga ilang sandali nang makaalis na ang W.A.R.D.S kasama sina Ishir, Bersalia ay hinanda na ni Levi ang sarili niya.
"Wag ka magtago hindot, lumabas ka." Pambubuyo ni Levi, dahil kahit nakatago ito ay ramdam niya ang nakakakilabot na prisensha nito.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...