Chapter 13

54 11 20
                                    

Chapter 13

Chase The City Patrol Commander

Nang minulat ni Levi ang kanyang mata, ay agad niyang pinalibot ang mga mata niya sa paligid niya. Malabo labo pa ang kanyang paningin kaya naman pinikit niya muli ang kanyang mga mata.

Muli niyang minulat, at matapos ay nilibot ang kanyang mga mata sa paligid at nahagip nito si Bakuhr na prenteng nakupo sa upuan.

"Patay na rin ba ako," anas ni Levi nang makita ang pagmumukha ni Bakuhr na painosenteng nakatingin sa kanya.

"Buhay kapa --tayong lahat--wag kang magalala," pangiting sagot nito na akala mo ay nakalimutan na ni Levi kung sino siya.

"Buhay ka pa palang hindot ka..teka sandli la--" hindi na naituloy ni Levi iyon dahil pinutol agad iyon ni Jake, na papasok palang sa kwarto niya.

"Alam ko na ang iyong tanong----sasagutin ko naman iyan," wika ni Jake ng tuluyan na siyang makapasok sa loob ng kwarto ni Levi, at kasama nito si Dyone Palmera,at at Ri Corvette.

"Kapitana Palmera, at kapitana Corvette." Dalawang beses pa kumurap si Levi.

Bigla namang sumalampak si Dyone, at Ri sa kama ni Levi, at lumapit pa ang mga ito, sabay niyakap-yakap nila si Levi, at habang nagsasalit-salit ang dalawang Kapitana sa pag akap kay Levi ay tumatama naman ang mukha nito sa kanilang papaya. "Nag-alala talaga ako sayo grabe," wika ni Dyone habang patuloy siya sa ginagawa niya, habang si Levi ay tirik ang mata dahil sa pagbangga-bangga ng papaya ni Dyone, at Ri sa mukha niya.

"Ugh! diyan ka ata mamamatay," nakangiting wika ni Bakuhr  sabay umiling-iling pa ito.

"Oh my!" si Levi na akala mo ay kinukuha na ng liwanag.

"Wala bang nakasunod sa inyong dalawa dito," wika ni Jake habang hawak niya ang sulat na iniwan ni Dodong , na may-ari ng bahay na pansamantalang tinitirhan nila.

"Sus! Kami pa ba Jake, wag mo kaming agwing bata," prenteng sagot ni Dyone, sabay umalis siya sa kama at lumapit kay Jake. Habang si Ri naman ay patuloy parin sa pag ngud-ngod ng mukha ni  Levi sa papaya niya.

 "Jake nagpakita na ang lason ng Malaya, ang New People Liberation Army," ani Dyone.

Bigla naman silang nagulat nang tumayo si Bakhur na kanina'y prenteng nakaupo sa kanyang upuan. "May mga taong nakasunod sa inyo, at naririto sila ngayon," saad ni Bakuhr, at maigting na pinapakiramdaman kung ilan ito.

"Dalawang mataas na opisyal ang mga ito;  Seprath Hagoi ng 12th District, Kapitana Bolts ng 3rd District, at ang kanilang mga kasamahan," ani Bakuhr ng malaman niya kung sino ang mga ito.

Nagtanguan naman ang mga ito, habang si Levi ay naguguluhan at nakadikit parin ang kanyang mukha sa papaya ni Ri.

Lumabas naman sila Jake, Bakuhr,Ri,Dyone, kasama si Levi. Ngunit wala namang mga tao ang nasa labas, ngunit biglang may lumabas, at paatake ito kaya nag baklasan sila.

"Mga traydor!" sigaw ni Mysharona, habang paatake ito kay Jake.

Iniilag-ilagan naman ni Jake ang mga atake ni Mysharona, hindi naman niya maiwasan na masugatan dahil sa bilis ng Kapitana ng 3rd District  na si Mysharona. Isang malakas na sipa ang pinakawalan nito na tumama sa sikmura ni Jake kaya naman ininda ito at napaluhod.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon