Chapter 7
The Power Speaks
Habang naglalakad sa isang bakanteng siyudad malayo sa Central, ay pinakikiramdaman niya ng mabuti ang kanyang paligid.
Ang lugar na ito ay ang boundary ng Central, at Amadar City ng 1st District, naging bakante ang siyudad na ito dahil ito ay lugar kung saan malapit ang kulungan na isa sa mga kinatatakutang kukulungan sa Malaya, kung saan nakakulong ang mga high-value/high-end criminals/preso noong mga nagdaang civil war ng Malaya, tinatawag nila itong Vastros ang tinaguriang Red City.
Mariin parin siyang nakikiramdam, at inoobserbahan ang paligid alam niyang hindi pa nakakalayo si Advincula.
Napailag bigla si Levi dahil sa blade na papunta sa kanya. Matapos ay sunod sunod na ang mga blade na nagsulputan direkta sa kanya.
"Kamusta batang W.A.R.D.S. Buhay ka pa pala." Ani Advincula na sa tonong pangunguya.
"Wag ka mag alala dito ka na matatapos bata." Dugtong pa nito.
Tinawag naman ni Levi ang kanyang Perks na si Sharp-shooter, at tinaas ang kanyang baril at kinalabit ito. "Spandau Ballet."
Biglang may nagbagsakang mga energy bullet na galing sa kalangitan, na nagpalitaw kay Advincula.
Nawala agad si Levi, at pumunta sa lugar ni Advincula, nilabas niya ang espada niya, at inatake si Advincula na sinalag naman nito ng blade na lumabas sa kamay niya.
Nagpalitan sila ng atake, at kapwa nila itong sinasalag, at iniiwasan. Binunot naman ni Levi muli ang baril niya, at tinutukan si Advincula matapos ay kinalabit ang gantilyo.
Matapos ng malakas na tira ay nawala si Advincula kaya sinundan naman siya ni Levi.
Nagpalabas naman si Advincula ng mga blade sa katawan dahilan para mapaatras si Levi.
Habang pakalat ang paglabas ng mga blade sa katawan ni Advincula ay iniilagan, at sinasangga naman iyon ni Levi. Hindi nito maiwasan na hindi rin matamaan sa dami nito.
Nakaramdam si Levi ng panghihina na animo'y wala na atang dumadaloy na Tirium sa kanyang Tirium receptor dahil sa abilidan ng Perks ni Advincula na pumapatay ng Tirium Receptor.
Bigong nakailag si Levi kaya natamaan siya, at bumaon ang blade sa kanyang kaliwang dibdib.
"Dito ka na matatapos bata." Habang lumalapit sa kanya si Advincula na tuwang tuwa sa ginagawa, at naglabas pa ito ng blade sa kanyang palad.
"Hoy ungas naalala mo pa ba yung pangako mo sakin." Boses na nasa isipan niya na pamilyar sa kanya, at nakikita niya ang hitsura nito sa isipan niya.
Nakasuot ito ng coat na may pinta ng rosas, at naka cowboy hat, at boots ito, may bit-bit na espada sa likod, at baril.
"Oo naman. Wag ka mag alala hindi ako mamamatay sa unggoy na ito." Ani Levi, at biglang nagliwanag ang katawan niya.
"Sige pahihiramin kita ng kapangyarihan." Wika ng lalakeng kausap niya sa isipan nita.
Isang malakas na daluyong ang dulot galing sa enerhiyang kumawala kay Levi, dahilan para tumalsik si Advincula.
Marahang tumayo si Levi, at napatingin sa kanyang baril. Nagkaroon ng bagong porma ito maging ang espada ni Levi.
Magkahalong kulay chocolate, itim, at asul ang enerhiyang bumabalot kay Levi, at bayolente itong kumikilos papunta kay Advincula, na parang kamay, at braso na maraming karit na nakausli sa braso nito.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...