Chapter 28
The True Mission II
Matapos nila pumunta sa 11th District office para sa karagdagang impormasyon ay dumeretcho na sila sa District 2 kung nasan sila naka assign para sa kanilang misyon.
Isa itong undercover mission kaya kailangan nilang mag suot ng normal na katulad sa isang sibilyan, at magpapanggap na mag babakasyon lamang.
Lulan sila ng isang tren kung saan sa bintana ay kitang-kita ni Levi ang ganda ng tanawin kaya napangiti ito. Naalala niya ang ganda ng Saint Simmon Valley dito.
"3rd seat napapangiti ka ata," wika ni Edison, matapos ay ginamit na naman niya ang kanyang nakakagagong ngiti.
"Nakaka sukot naman iyang ngitian mo talaga Vice captain," sagot ni Levi, at binalik ang mata niya sa bintana.
Kasama si Bise kapitan Edison Royston, at ang 4th seat nitong si Vilan Zarava na nangungulangot lang sa tabi.
Si Edison ang kanilang magiging Team Captain sa misyon na ito, habang si Levi ang Vice captain ng team.
"Levi wag mo ako tawaging Vice Captain, baka may makaalam. Mahirap na," pabulong na untag ni Edison.
"O siya, pasensya na Edison," buryong sagot ni Levi.
Napabalingan naman bigla ni Levi nang tingin si Khaliraia na katabi niya, dahil para itong uuod na naasinan.
"Bakit ba para kang patong hindi mapa itlog?" tanong ni Levi, at nahagip ng tingin niya ang cleavage ni Khaliraia na nagpapahalatang bubot pa ang papaya nito
"W-wla ito," utal-utal na sagot ni Khaliraia.
Mga ilang minuto pa ay may tauhan ng tren ang dumating, at inihanda ang kanilang pagkain para sa hapunan. Kailangan nila ito dahil ang lugar na pupuntahan nila ay malayo pa, dahil nasa halos dulo na ito ng norte ng District 2.
"Kailangan din natin maging alerto Edison, dahil pakiramdam ko ay alam nila ang pag dating natin," wika ni Levi, dahil biglang pumasok sa isipan niya na maaring inaasahan na sila ng mga ito.
"Siguro nga Levi, at ayon sa impormasyon ay mga W.A.R.D.S ang pinupuntirya nila kaya pinadala na tayo dito para matapos na ito," sagot ni Edison, matapos ay sumandok ng kanin.
Matapos kumain ay bumalik na naman sila sa tahimik at pagmamasid sa paligid, at ang iba naman ay nakaidlip.
Habang nakamasid lamang si Levi sa bintana, at naaaliw sa mga ilaw ng siyudad mula sa bayan ng District 2 ay hindi maganda ang kanyang pakiramdam kaya naman napalinga ito kay Edison.
Tumango lamang ito, dahil alam niya na nararamdaman din ni Levi iyon. Hindi mapigilan ni Levi na simpleng pakiramdaman ang pamilyar na presensya na iyon, ngunit nawala bigla ito.
Matapos ang ilang oras ng biyahe ay sa wakas nasa istasyon na sila ng Valle Rivero, kung nasaan nakaassign ang kanilang misyon.
Bitbit ang kanilang knapsack na props lamang ay nagsimula na silang maglakad, para tunguin ang sinabing pahingahan na sinabi ni Dyone sa kanila bilang karagdagan na maaring makatulong sa kanila
Kakaiba ang lugar na ito, dahil napakadilim dito at tanging apoy na galing sa bariles lamang na may siga— para sa malamig na gabi—ang nag sisilbing ilaw sa panglaw ng siyudad.
Isa sa pinakamahirap ang District 2 sa Malaya, dahil simula't sapul tuwing may digmaan at rebelyon ang district 2 lagi ang pinupuntirya, dahil naging kilalang kuta ito noon ng mga rebelde, dahil ang mga opisyal ng Hand of Scaar'g/Wings Of Scaar'g ay taga District 2.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...