Chapter 17
The Movement
Habang naglalakad sila Jake, Bakuhr ay marahan nilang pinagmamasdan ang kabuuan ng piitan. Nararamdaman naman nila ang nakakakilabot na Aura kahit na nasa 10 kilometro pa sila."Boss Jake, ano ba ang relasyon mo sa baliw na iyon?" tanong ni Bakuhr na hindi na mapakali dahil sa takot na nararamdaman niya.
"Relax ka lang Bakuhr, malayong kamag anak siya nila Dyone, Mysharona, at Levi," wika ni Jake, para pakalmahin si Bakuhr.
Patuloy silang naglalakad ay nakasalubong nila si Seprath Hagoi—Kapitan ng District 12.
"Kumusta na Lider ng mga rebelde," bungad ni Seprath.
"Ayos lang," walang buhay na sagot ni Jake.
"Ikaw Lider ng mga Bibe kumusta kayo," sabad ni Bkauhr.
"Sasadyain mo na naman ang dating Commander-in-chief na pasimuno, at bumuhay muli sa rebelyon," wika ni Seprath na puno nang pangunguya, at hindi pinansin ang pang iinis ni bakuhr.
"Dahan-dahan ka dahil pag narinig ka niya. Tiyak mawawala ka na sa mapa ng NewEarth, " untag ni Jake, sabay nilagpasan na si Seprath.
"Kala mo kinaguwapo mo iyan Kapitan Hagoi. Malapit ka ng mamatay," bulalas ni Bakuhr na makikita mo sa mata ang pagkasabik.
Malapit na sila sa pintuan kung nasaan ang taong nais na makita ni Jake. Nakita niya ang guhit na may layong 10 metro, matapos ay natawa siya.
Walang nakakalagpas sa guhit na iyon kahit na si Seprath pa. Walang nakakapantay sa nakakamatay na aura, presensya, at tiriu niya na umaapaw—maliban sa iilang tao na kilala niya.
Ang taong ito ay si Clemente Bolts-Neo Javerwok ang taong isa sa kinatatakutan ng buong NewEarth. Kinilala siya bilang; bagong Ama ng Himagsikan, Anak ng rebelyong Voulica Bolts-Neo order, Demonyo ng Malaya. Marami ang bansag sa kanya, pero mas kilala siya bilang "Halimaw ng Vastros(Red City)."
Kinatatakutan siya dahil sa respeto, at pagpapalaya ng Malaya sa maling pamumuno noon ng pinalitan niyang Commander-in-chief—matapos niyang patayin ito. Simula't sapul na umusbong ang bagong Era, ay wala pang nakakakita sa totoong lakas ng tao na ito. Maski si Cyndi ay sinasabi na walang kaparis ang lakas nito, at diyos nalang ang makakatalo sa mga katulad niya.
Matapos niya mahalal bilang Commander-in-chief 100 taon na ang nakakalipas ay nakulong ito, at ibinigay ang position kay Cyndi Ceds.
Ang dahilan ng kanyang pagkakakulong ay nasabi niyang kabayaran para sa mga biktima ng digmaan. Kaya naman ay ipinakulong niya ang sarili niya.
"Ano yan boss Jake," wika ni Bakuhr nang makita niya ang guhit.
"Palatandaan na hanggang diyan ka lang," sagot ni Jake.
Napagtanto ni Bakuhr na totoo nga ang sinasabi ni Jake, dahil habang lumalapit sila sa guhit ay parang nahihirapan na siyang iapak ang mga paa niya.
Ganap na silang nakalapit sa guhit, at dumerecho na si Jake sa pinto ng magsalita si Bakuhr. "Seryoso kang hindi ka mamamatay?" tanong ni Bakhur.
"Duda ka?" sabi ni Jake matapos ay lumagpas siya sa guhit, at tinungo ang pinto ng kwarto ni Clemente.
Nang pihitin ni Jake ang doorknob ng pinto ay tumingin muna ito kay Bakuhr. "Ano pang tinutunganga mo?"
"Ayoko pa mamatay hindi ako lalagpas sa guhit," bulalas ni Bakuhr.
"Kaya mo iyan, ang arte mong ulol ka." Tuluyan ng pumasok si Jake, at sumunod na si Bakuhr.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...