Chapter 21

35 7 1
                                    

Chapter 21

It Has Been A Years

Nakatulala pa ring nakatingin si Levi sa taong nag ngangalang Condrad, na pamilyar sa kanya—dahil usapan siya ng buong Central. Wala sa kanyang hinagap na makikilala niya pa ang hindot na taong sinasabing nagtraydor sa bayan.

"Condrad, ang dakilang hindot ng Central. Hindi kita kilalang personal pero maraming nagsasabing gago ka daw," natahimik naman ang lahat at tumingin kay Levi, dahil sa sinabi nito.

Biglang kinilabutan si Levi, napagtanto niya na para sa isang taong nagtraydor  sa Central—at buhay pa rin— ay parang mali ata yung nasabi niya. Naalala niya ang sinabi ni Mysharona tungkol sa Nous'Grat, na pumapatay ng mga traydor o mga high-value target sa isang utos ng nakakataas.

Naghagalpakan naman sina Jake, at Bakuhr sa sinabi ni Levi habang si Condrad ay napasimangot. "Puta! Pati bata alam yung kagaguhan mo kumpadre," hindi pa rin mapigilan ni Jake ang pagtawa habang sinasabi niya iyon.

"Si Mommy C ba ang nagsabi non?" tanong ni Condrad na nakasimangot pa rin, na parang batang nalaman ang kanyang kagaguhan.

"Hindi. Pero maraming nagsasabi, lalo na si Kapitan Hagoi," sagot ni Levi, na nakatitig ng madiin kay Condrad, at nakikita naman niya sa magkabilang gilid sina Jake, at Bakuhr na walang humpay ang tawa.

"Ano ba! Tumahimik na kayo!" bulyaw ni Condrad na parang batang napikon sa asaran."Gagong Seprath yun ha," aniya na may himig ng pagkapikon.

"Una sa lahat; hindi ako gago, o traydor ng Central, hindi lang nila talaga naiintindihan ang mga layunin ko," paliwanag ni Condrad.

"Gago ka wag mong lasunin ang isip ng Manyakol na iyan," wika ni Mysharona kasama nito ang isang babaeng may hawig sa kanya, ang pagkakaiba lang ay matangkad ito, at may magandang hugis ng katawan, at magandang sukat at hugis ng papaya.

"Oh! Tayong-tayo ang papaya ng isang ito," wika ni levi sa kanyang sarili, na hindi niya napapansing nagmumukhang manyakis na naman ang mukha niya.

"Oh! My mamasitas," bulalas ni Bakuhr, at minuwestra niya ang kanyang mga kamay na parang ginuguhit niya sa hangin ang magandang kurba ng dalawang babae.

"Tumahimik ka diyan, baka patayin ulit kita," wika ni Mysharona na mabilis na nakapunta sa lugar ni Bakuhr, na nakalagay na ang talim ng kanyang kutsilyo sa lalamunan nito. "Mommy Chill," saad ni Bakuhr.

"Kapitana Bolts, itigil mo iyan kakampi natin iyan," wika ng babaeng kasama ni Mysharona.

Napasimangot naman si Mysharona, ngunit bago niya bitawan si Bakuhr ay binatukan niya ito. "Aray! Mommy Mysheldona oh! nananakit na naman yung kapatid mo," saad ni Bakuhr.

Mula sa pagkakatitig ni Levi sa kabuuan ng babaeng nasa harap niya— na sinabi ni Bakuhr na kapatid ni Mysharona— na si  Mysheldona ay bigla siyang parang nabuhusan ng malamig na tubig.

"Huh!Kapatid ni Kapitana Bolts— siya  yung nabanggit ni Kimi noong napagusapan namin ang tungkol sa Nous'Grat," wika niya sa kanyang sarili.

Napatingin naman sa kanya si Mysheldona sabay sa isang iglap ay nasa harap niya agad ito at nakayapos na agad ito. "Hi Levi boy," wika nito at kinikiskis pa nito ang kanyang papaya sa katawan ni Levi—na kinatuwa naman ng gago.

Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon