Chapter 4
The Tirium Blast Issue
Note: Credit sa Artis ng mga Photos. Hindi ko po ito pag mamay-ari, para lang may mai-magine po kayo kung ano ang hitsura nila.
Mababa pa ang sinag ng araw ng magising si Leviticus, ay napagdesisyunan na niya na bumangon, maligo, at pumunta sa training ground ng makapagsanay, nakita naman niya ang isang lunchbox sa Lamesa niya na may nakasulat na "Goodmorning, mag almusal ka muna bago ka magtrabaho."
Matapos niyang kainin ang inihanda sa kanya ni Kimi ay daig niya pa nangungulila dahil hindi niya kaya na hindi makita ang umaalog-alog na papaya ni Kimi.
Tamad niyang binasa ang mga schedule niya, at napasapo siya sa ulo niya na pati sa meeting ng kapitan, ay siya ang dadalo dahil nasa isang mahalagang mission ito.
'Hinahanap hanap kita, hinahanap hanap kita.'
Napagisipan niya munang magsanay habang hindi pa oras ng trabaho, para kahit paano ay malibang siya, at hindi muna mangulila.
Sa kanyang pag sasanay ay my naramdaman siyang paparating. Mabilis naman siyang napalinga, at halos humiwalay ang kaluluha niya sa nakita niyang kambal na babae na nasa 16 anyos palang kasama si Mysharona, at ang kanyang Vice-captain na si Alear, na pamilyar sa kanya, dahil nakita na niya ito sa Isla ng Xelophorbes.
Black beauty ito kagaya ni Mysharona, Dyone, at Deus nakasalamin ito, at may hawak na mga papel, notebook, at may nakaipit na ballpen sa taas ng tainga nito.
"3rd seat sila pala ang mga trainees mo---" Ani Mysharona, at mabilis na nawala.
"---Kapatid ko ang mga yan kaya wag ka nagkakamali." Dugtong niya, at kumuha ng patalim, at itinapat sa leeg pababa sa dibdib niha.
"Wala naman akong gagawin sa kanila." Sabay tingin niya sa kambal, na nakasuot ng hapit na hapit na battle suit na kagaya ng panloob na suot ni Mysharona na pinatungan lang ng coat. Nahagip naman ng mata ni Leviticus ng pasimple ang cake ng kambal dahil sa sobrang hapit nito.
"Mabuti naman. Naninigurado lang 3rd seat Neo." Matiim na tumingin si Mysharona sa kanyan bago ito naglakad sa kanila.
"Ikaw na ang bahala sa kanila. Wag mo silang kukunsintehin. Dahil lang sa kadugo ko sila." Dagdag pa nito.
Habang naglalakad palayo si Mysharona ay naalala niya ang sinabi ni Jake tungkol kay Mysharona.
Naalala niya tuloy ang kulitan, at tawanan nila ni Jake na kanyang Commander, kaya naman ay balak niyang dalawin ito kapag umalwal ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Newearth: Vanguardia Series: Malayan Quest ( On Going )
FantasyMatapos ng napakaraming digmaan sa mundo ay halos hindi na makilala ang Earth dahil sa mga nangyari dito. Ilang taon din nanahimik, at bumabawi ang Earth sa pinsala na dulot ng huling digmaan, ngunit may isang spacial wave ang tumama dito. Matapos...