Umabot sa mga Ministro ang nangyari at kahit na may kasalan ang kolektor, ang isiping pinasabog niya ang bahay nito at muntik ng mapatay ay nagbigay pa rin ng panibagong problema sa kaniya.
He was scolded and Sin even visited him just to make sure everything is alright.
"It's not like you at all to just blow up a damn house so spit it out Daniel. Anong nangyari? Ininsulto ka ba ng gagong to? Just speak up and we will retaliate."
Napailing na lang ako. Akala namin dahil nakapag-asawa na si Sin ay titino na ng konte ang ugali niya pero kahit kailangan talaga ang init pa rin ng ulo ni Sin. Wala pa ring pinagbago.
"It's fine Sin. Just a little misunderstanding."
Umingos si Sin at umayos ng upo. We're on my study room and he was having a good time laughing at me. Dati kasi ako ang tumatawa sa kaniya dahil may study room siya. Study room for us entails responsibilities and now he was returning the favor dahil lang mas malaki ang sa akin.
"If you say so. Just remember, if you change your mind my men are all on standby."
Malakas akong bumuntong hininga.
"Hindi ko lang kasi matanggap."
Lumapit sakin si Sin at tinitigan ako. "Hindi ko matanggap na habang nag-aagaw buhay si Roll sa ibang mundo, habang nawawala si Aira and is also possibly running for her life, nandito ako. Nakaupo lang at walang ibang ginagawa kundi isuot ang kurona."
Tumango si Sin. Naiintindihan niya ang nararamdaman ko.
"I also want to find Roll, Daniel. I want to rescue Aira and also keep my wife safe. But for now, hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos. Mga Anteanus ang pinag-uusapan natin dito. Isang maling galaw at pwedeng ikasira ito ng buong Bastione."
Minabuti ni Ministro Abay na magpatawag ng pagpupulong para maayos na maihatid ang mga batas na ginawa ng Ministro. Alam ni Daniel na hindi magiging kumportable ang mga mamamayan kung nasa malapit siya lalo pa at hindi pa nila natatanggap na isang criminal ang dating Hari nila. Tapos ngayon naman isang Dirty Blood ang pumalit dito at lumaki pa sa ibang kaharian. Kaya minabuti ni Daniel na umalis na muna at ipasa sa mga Ministro ang trabaho.
Hindi naman siya magtatagal. Kalahating buwan lang kaya pumayag rin si Ministro Abay dahil takot itong may pasabogin na naman siyang bahay.
Besides, it's not like he's needed in the castle. Yes they need someone who can carry the simbull to save their kingdom from destruction but after that he's basically just a display. Lahat kasi ng kailangan gawin, ang mga Ministro ang gumagawa. Guess after being the King, they still don't trust him to give him a real responsibility.
Ang daming kailangan gawin ni Daniel. Gusto niyang pumunta sa Krad para hanapin ang pinsan nilang si Aira at para na rin mapigilan ang kapatid niyang si Maya mula sa paghahanap kay Aira. It's already a problem that Aira is missing in Krad, mas lalaki pa ang problema nila kapag pati si Maya mawala.
Pero kahit na gustong pumunta ni Daniel sa Krad para matulongan ang pamilya niya, mas kailangan niyang pumunta sa Leviathan Capital para mapigilan ang Berserker na may kakaibang mata bago pa nito masabi sa mga Anteanus na Void Walker si Rose. Oras ang kalaban nila sa Berserker kaya kailangang mahanap nila ito sa mas lalong madaling panahon.
Kahit nag-aalala siya para kay Aira at pati na sa kapatid niyang matigas ang ulo, alam niyang makapangyarihan si Aira. She might don't know how kill pero alam niyang kaya nitong protektahan ang sarili kung kakailanganin. Her power can keep her alive at kung may umatake man kay Aira, alam niyang hindi siya pababayaan ni Sinister. Si Maya naman kahit na mukhang babasagin iyon, alam niyang hindi yon pababayaan ni Sin kaya sigurado siyang marami iyong kasamang kawal. Isa pa marunong iyon makipaglaban kaya kailangan na muna niyang iasa sa kanila ang paghahanap kay Aira.
BINABASA MO ANG
Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}
FantasyA reluctant King who's searching for their Kingdom's enemy stumbled upon a woman with a troubled past. With an ultimatum just around the corner, can they catch the Berserker before it kills them or would they die along with their bloodline? ~ Danie...