Chapter 4

224 21 0
                                    

Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para sipain ako where it hurts the most.

"The fuck, woman!" Sigaw ng lalaki habang hawak-hawak ang crotch area niya.

Agad umalis si Tori sa ilalim ng lalaki at dinaluhan si Nikolai na nakatitig sa kanila na para bang sinapian silang dalawa.

"Ayos ka lang Niko? Sabi ko naman sayo wag na nating siyang dalhin! Anong ginawa niya sayo?! Sabihin mo!" Malakas ang sigaw ni Tori. Mas malakas pa sa ulan sa labas.

"W-Wala Tori. Wala naman siyang ginawang masama."

Sinamaan ng tingin ni Tori ang bata. "Wag kang magsinungaling Niko. Alam mong galit ako sa mga sinungaling."

Napakamot ng ulo si Nikolai. "Pero wala talaga. Sinubukan lang niya akong pakalmahin. "

"Bakit ka sumigaw kung ganon?"

Nikolai looks ashamed ng yumuko siya.

"N-Natakot lang ako sa k-kulog." Mahinang bulong ng bata.

Daniel saw the girl named Tori stiffened. Pinalibot niya ang mga mata at ng makita ang malakas na ulan, realization colored her eyes and she immediately hugged the child.

"Bakit hindi mo ako ginising kung ganon?"

Dahil sa kanya nakaharap ang babae, nakita niya kung paano nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. From murderous to annoyed to understanding then sadness.

Nababaliw na nga siguro si Daniel dahil sumikip ang dibdib niya ng makita niya ang babaeng naging malungkot. It made him angry to see her sad. It made him want to pummel someone.

Nang makabawi si Daniel sa pagsipa ng babae sa kaniya, he stood and watched the woman calm the boy. Niyakap niya ito tapos ay pinahiga at kinumutan. He comb the boy's hair using her finger while humming softly hanggang sa makatulog ang bata.

Daniel just stood there. Hindi siya gumalaw. Hindi niya maintindihan kung bakit para rin siyang dinuduyan sa simpleng humming na ginawa ng babae. Heck, he's almost certain na mangkukulam ang babae at sinusumpa na siya ngayon.

Nang makatulog na ang bata agad siyang sinamaan ng tingin ng babae na para bang may ginawa siyang masama.

"Bakit nandito ka pa? Nagkamalay ka na kaya alis na." Tori knew she was being rude to someone who have saved Nikolai pero wala talaga siyang tiwala sa lalaki. He looks too well put to be here in Leviathan. At mas lalong nakakaduda na nandito siya sa Aerok.

Ito ang pinakamahirap na lugar sa buong Capital and for him to be here means he was looking for someone. And that someone could be Tori kaya kailangan nilang makalayo sa lalaking ito. Kailangan nilang makayo sa lugar na to bago pa bumalik ang mga ghoul at kunin si Nikolai. Kailangan nilang umalis pero dahil sa lintek na bagyo na to, hindi sila makaalis. Walang mga tao ngayon sa daan dahil sa ulan, ibig sabihin mas madali silang makikita kapag umalis sila. Isa pa, magkakasakit si Nikolai sa ulan. Kahit na Berserker ang dugong dumadaloy sa bata, hindi pa rin maipagkakailang bata lang ito at dahil sa kakulangan sa pagkain, masyadong payat si Nikolai at madaling lagnatin.

Tori is utterly annoyed with this storm. Hindi sila makaalis dahil dito at konte na lang magtatampisaw na siya sa tubig dahil sira ang bobong nila.

Bakit ba nakalimutan kong ayosin yan?

"Masyadong malakas ang ulan." Dahilan ng lalaki. Tinaasan ng lalaki ang boses niya para magkarinigan sila. Masyadong malakas ang ulan pati na ang hangin sa labas. Ramdam ni Tori ang lamig kaya agad niyang binuksan ang bag at kinuha ang mga kumot na nilagay niya doon kagabi. Agad niyang kinumutan si Nikolai bago nitapunan ng masaman tingin ang lalaki.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon