Doon na nakuha ng bata ang atensyon nila. Alam nilang hindi sila pwedeng basta-basta na lang magtiwala lalo na sa mga hindi nila kakilala pero Leviathan Capital ito. Ang mga nilalang dito ay sinasamba ang Halsent dahil sa kahirapan. Gagawin ng lahat ang kahit ano magkahalsent lang kaya alam niyang pwede niyang magamit ang alam ng bata basta lang bigyan nila ito ng tamang Halsent.
"Gagalaw ang Berserker mamayang umaga." Simpleng tugon ng bata.
"Paano mo nalaman na siya ang hinahanap namin?" Pasimpleng tanong ng kasamahan ni Han na hinuhuli ang bata.
Nagkibit balikat lang ito. "Narinig kong sabi ng mangkukulam na may kulay-rosas na buhok na may bago daw siyang kliyente. Isang Berserker na pula at gintong mata at pinoprotektahan niya ito laban sa mga humahabol dito. Kaya siya nakikipag-usap sa matandang Elf para tulongan siyang makagawa ng mga sandatang magagamit niya laban sa mga Fae na humahabol sa Berserker. Napansin kong Fae kayo ay sumusunod sa mangkukulam kaya nahulaan ko." Simpleng sagot ng bata.
Napataas ang kilay naming lahay dahil sa narinig naming sagot niya. Narinig niua mula sa mangkukulam? Paano niya narinig ang usapan nito gayong napaka-ingay dito?
Pinakiramdaman ni Han ang bata pero hindi niya maunawaan ang presensya nito.
"Anong nilalang ka?" Diretsang tanong niya.
"Taong lobo." Walang ganang sagot ng bata na ikinataas lang ng kilay ng mga kasamahan ni Han.
"Wala pa akong lobo dahil wala pa ako sa tamang edad kaya kakaiba ang presensya ko pero malakas na ang pandinig ko."
May kinuhang bato ang bata mula sa bulsa niya. Ipinakita niya ito samin na pinagtakhan naman ng lahat. Kuya pula ang bato at muka itong rosas pero bato. Nanlaki ang mga mata ni Han ng mapagtanto kung ano ang ipinakita ng bata. Diagniraeh.
"Sampung pilak para dito. Nandito ang iba pang inpormasyon na kailangan ninyo." Napabuga ng hininga si Han at nakasimangot na ibinigay ang Halsent na hinihinga ng bata kapalit sa Diagniraeh.
Alam ni Han kung paano ito gamitin dahil ilang taon na rin siya naghahanap ng ganito pero dahil minsan lang namumunga ito, madalang itong makita.
Agad nilunok ni Han ang Diagniraeh. His comrade became rigid, inaabangan kung maguging maayos lang ba ang lagay niya. Pinalibutan nila ang bata para madakip agad kung sakaling lason pala ang ibinigay sa kaniya.
Unti-unting nawala ang ingay sa buong paligid. Naging tahimik ang lahat at kahit na nakikita niyang gunagalaw ang bibig ng mga kasamahan niya, wala siyang marinig. Everything became stilled, then after a few seconds a humming voice echoed in his ears. It took him few more moments to make sense of the words the voice is saying.
"Mas nanghihina na siya habang tumatagal. Kaya kailangan kong magawa ang mga sandata niya bukas. Kapag namatay siya, hindi ako mababayaran sa kalahating Halsent na napagkaaunduan namin."
Hindi kilala ni Han ang boses pero nakinig pa rin siya at memorya ang mga sinabi nito.
"Ano bang kailangan mo kung ganon?"
Panibaging boses ang nagsalita. Lalaki ang boses at parang matanda na.
"Demonsbane, espada at pana at isang bote ng Ygrene."
"Demonsbane? Akala ko ba ang Berserker na may pula at gintong mata ang kliyente mo? Bakit kailangan mo ng demonbane?"
"Para sa anak niya na gusto niyang hulihin. Mamayang umaga niya balak kunin ang bata mula sa babaeng Fae. Alam na ni Argaut na nagtatago ang babae sa Rem's Club at plano ng babaeng Fae na tumakas mamayang madaling araw, pinapasundan na niya ito sa mga ghoul niya kaya gagalaw na sila mamayang umaga. Wala siyang lakas ngayon dahil sa lason na nasa katawan niya kaya kakailanganin niya ang demonbane para manghina ang bata at madali niya itong makuha."
BINABASA MO ANG
Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}
FantasyA reluctant King who's searching for their Kingdom's enemy stumbled upon a woman with a troubled past. With an ultimatum just around the corner, can they catch the Berserker before it kills them or would they die along with their bloodline? ~ Danie...