Chapter 5

228 17 0
                                    

Malalaswang tingin ang binato sa akin ng mga lalaki sa kabilang lamesa pero kahit na hindi ako kumportable, kinailangan kong lumapit doon at ibigay ang inumin nila pati na ang pulutan. Kailangan kong magtrabaho para may makain kami ni Nikolai.

Sampung araw na ang nakakalipas simula ng atakehin kami ng ghoul. Tatlong araw na hindi tumigil ang ulan kaya hindi agad kami nakaalis. Nang magpaalam ako kay Rhea na titigil na ako sa pagtatrabaho sa kanila dahil aalis kami, tinanong ako ni Cassy kung saan kami pupunta.

Sa mga panahong yon, wala akong ideya. Hindi ko alam kung saan kami pwedeng magtago ni Nikolai. Basta ang alam ko, kailangan naming nakalayo sa Aerok. Alam na niyang nandito kami kaya kailangan naming umalis sa mas madaling panahon.

Simula ng umatake ang mga ghoul, lagi ko ng sinasama si Nikolai kahit saan ako pumunta. Hindi naman siya nagreklamo kahit na hindi siya kumportable sa mataong lugar.

Nang malaman kong aalis rin si Rhea dahil kailangan siya sa kabilang branch ng club ng kuya niya, nakiusap ako na sumama. Nagkataong kailangan rin nila ng healer doon kaya pumayag si Rhea. Tagalinis ako sa madaling araw, healer sa umaga at waitress sa bar nila sa hapon. Kapalit non ay libreng tulogan at pagkain namin ni Nikolai.

Nakakapagod ang trabaho pero dahil wala pa akong nakikitang lugar na pwede naming lipatan, hindi na ako nagreklamo.

Hindi ko alam kung anong bayan to dahil hindi sinabi ni Rhea pero alam kong wala na kami sa Aerok. Nakisakay kami ni Nikolai sa karwahe nilang puno ng gamit at mga alak at naglakbay kami ng apat na araw.

Gaya ng Aerok, marami ring iba't ibang nilalang na naninirahan dito. Bakas pa rin ang kahirapan sa bawat sulok ng bayan pero may makikita ka ring malalaking establishemento. Hindi kagaya sa Aerok na wala talaga maliban sa Club ng kuya ni Rhea.

Napaigtad ako ng biglang may humawak sa pang-upo ko. Ngumisi ang lalaking inabutan ko ng inumin at hinila ako palapit sa kaniya.

"Magkano ang gabi mo-"

"Pasensya na po pero hindi ako kasama sa mga babae ni Remus." I tried to get away from him pero mahigpit ang hawak niya sa bewang ko.

"Ah, ah, ah. Lahat ng nagtatrabaho dito ay babae ni Remus."

Gusto kong suntikin siya sa mata ng matigil na siya sa magtingin sa akin pero natatakot akong baka mawalan ako ng trabaho at sa kalye kami pulotin ni Nikolai. Wala itong kaso sakin pero alam kung mahihirapan si Nikolai kapag nangyari iyon.

"Anong problema dito?"

Nabunotan ako ng tinik ng lumapit sa amin si Rhea.

"Waitress namin yan sir. Hindi yan kasama sa alaga ni Remus kaya pakibitiwan bago pa umabot ito kay Remus."

Nangunot ang mukha ng lalaki. Mukha itong ogre at drawf na pinaghalo. Gusot ang suot nitong maduming damit at puno ng tagwayat ang mukha nito. His nose is crooked and broken. And his teeth looked yellowish. Kung nakakamatay lang ang baho ng hininga, matagal na siyang nangisay sa sahig dahil sa baho ng hininga ng lalaking nasa harap niya.

"Ano bang problema at hindi namin ito pwedeng tikman? Dalawang araw na itong nagtatrabaho sa club ninyo pero hindi pa ito naikakama ng kahit sino. Akala ko ba club to?" Namula na ang mukha ng lalaki at halatang galit na ito.

"Sir, hindi siya kasali sa babaeng panggabi dahil mahalaga siyang tauhan ni Remus. Hindi siya pwedeng gamitin dahil kailangan siya kapag nagmadaling araw na. Siya ang healer ng Club. Kung may masamang mangyari sa kaniya, hindi magagamot ang mga babaeng nilalabas ninyo at malaki ang posibilidad na pansamantalang matigil ang Night Out sa Club hanggang hindi pa nagagaling ang mga babae. Ngayon kapag nangyari yan, sa tingin mo masisiyahan si Remus?"

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon