Chapter 17

175 9 0
                                    

Napabuntong hininga ako habang naiiling na nakatingin kay Daniel na prenteng nakaupo sa harapan ko habang tinitignan ang menu. Nasa isang mamahaling kainan kami ngayon at kahit na ilang minuto na kami dito, hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung bakit namin ito ginagawa.

"Daniel." I hissed at him pero nginitian lang ako ng gago.

"May napili ka na bang pagkain?"

Gusto kong tusukin ang mga mata niya ibalik ulit niya ang paningin sa menu.

Pasimple akong tumingin sa paligid. Hindi ako kumportable sa lugar. Kahit saan ako tumingin, puro mayayaman ang nakikita ko. Magara ang mga suot nilang damit at halatang mamahalin ang mga gamit na dala. May mga kumikinang rin na palamuti ang bumabalot sa katawan ng mga babaeng nandito.

Napabuntong hininga ulit ako ng makita ko ang masasamang titig sa akin ng mga babaeng kobold, goblin, troll, gremlin, leprechaun at shifter. Halatang gusto nila ang kasama ko dahil kanina pa nila ito sinusubukang kausapin simula ng pumasok kami dito.

Hindi ako sigurado kung manhid ba si Daniel o sadya lang talagang wala itong pakialam. Ako lang kasi ang kinakausap nito at nginitian pa ako kanina kaya nagselos tuloy ang mga babae dito at ako ang sinasamaan ng tingin. Gusto kong lumabas na at umalis dito. Bukod sa hindi ako kumportable sa lugar, hindi rin ako sanay na may mga babaeng kung makatingin sakin, akala mo may ninakaw ako.

"Bakit nga ulit tayo nandito?" Naiiritang tanong ko kay Daniel.

"Dahil kakain tayo Tori."

Gusto kong pagsabihan siya na hindi naman kailangang dito talaga kami kumain. May nakita akong kainan kanina na maliit lang pero naamoy ko ang sarap ng mga pagkain doon. Isa pa sigurado akong mas makakatipid kami doon at wala pang mga babaeng manggugulo. Pero hindi na ako nagsalita. Yumuko na lang ako at tumahimik. Wala naman akong karapatang magdemand kung saan kami dapat kumain dahil hindi naman ako ang magbabayad. Nakikikain lang ako kaya kung gusto ni Daniel na dito kumain, dito na lang din ako kakain.

Sa sobrang pag-iisip, hindi ko namalayang nag-order na si Daniel ng pagkain namin dahil dumating na ang waiter. Dahil hindi ko naman tinignan ang menu kanina, sinunod ko na lang rin kung ano ang order niya.

Tahimik akong kumain. Hindi ko maipagkakailang ngayon lang ako nakakain ng ganito kasarap na pagkain buong buhay ko. Pero kahit na ganon hindi ko ito lubusang ma-enjoy dahil sa mga masasamang tingin ng mga babae. Alam kong hindi ko ito dapat problemahin pero dahil sa mga nangyari sa amin nitong nakaraan, I had become paranoid. Kunting titig lang sa akin, iisipin ko ng kasamahan ito ni Argaut. Kaya naman dahil maraming babae ang nakamasid sa akin ngayon, pakiramdam ko tuloy bigla na lang susugod si Argaut dito.

"May gusto ka bang puntahan pagkatapos dito?" Hindi ko alam kung ano dapat ang isagot. Honestly, hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung paano kami umabot dito.

Isang linggo na ang nakalipas simula noong pumunta ako sa Cloy's Hotel para harapin ang mangkukulam. At sa mga araw na nagdan, inubos ko ang oras ko sa pag-aalaga kay Nikolai. Bumalik na ang lakas niya at naging malusog na rin ang katawan ng bata lalo pa at hindi kami pinapabayaan ni Daniel pagdating sa pagkain.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ako nabigo sa pagtitiwala ko kay Daniel. Sobra akong natakot noong una. Akala ko hindi nila mahahanap ang lunas o baka hindi sila umabot sa natitirang oras pero nagawa ni Daniel at Han na iligtas si Nikolai. At nagpapasalamat ako ng malaki para doon. Maybe that's why I agreed to this. To this thing that we are doing right now.

Sa isang linggo rin na lumipas, hindi na niya masyadong nakikita si Daniel at si Han. Iba na ang nagbabantay sa kanila ni Nikolai pero alam niyang kasamahan pa rin ito ni Daniel.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon