Chapter 3

236 18 0
                                    

Limang bagong ghoul ang biglang lumabas mula sa gubat at pinalibutan kami. Agad kong tinago sa likuran ko ang bata at inatake ang dalawang ghoul na sumugod sa amin. Nasa kalagitnaan ako ng pag-atake gamit ang espada ko ng makaramdam ako ng kakaibang kapangyarihan. Mahina lang ito pero kakaiba. Ngayon ko lang ito naramdaman. Para nitong tinatawag ang katawan ko papunta sa kung sino man ang nagpalabas ng kapangyarihan. Dahil sa panandaliang distraksyon, hindi ko namalayang dumami na pala ang mga ghoul. Mahigit sampu na silang pinapalibotan ako. Agad kong nilingon ang bata upang masigurong ayos lang siya. Nakapagtataka dahil kahit na halata ang takot sa mata ng bata, hindi siya nagpapanic. Nakatayo lang siya malapit sa akin habang tinitignan ng mabuti ang sitwasyon.

"Ghoul mo ba sila?" I angled my sword para mapigilan ang pakpak ng isang ghoul mula sa paghiwa sa braso ko.

"H-Hindi." Mahinang sagot ng bata. May isang ghoul na pinilit siyang hablutin pero hindi nito natuloy ang plano ng sipain ko ang mukha nito at maulanan ng water pressure. Mabuti na lang at may maliit na kanal malapit samin. Madumi man ang tubig pero nagamit ko pa rin para mapatay ang ghoul.

Hinawakan ko sa ulo ang isang ghoul at binalitan ng leeg habang siniko naman sa dibdib ang isa, tama lang para mawalan ito ng malay bago ko ito hiniwa gamit ang espada ko.

"Nikolai!"

Pareho kaming napalingon ng bata sa pinanggalingan ng boses. Isang babaeng nakasuot ng maduming bisteda ang nasa paanan ng gubat. Puno ng takot ang maganda niyang mukha.

Napansin ng mga ghoul ang babae at sumugod ang iba sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya at tumakbo siya. Akala ko tatakbo siya paalis pero tumakbo siya malapit samin ng bata.

You have got to be fucking kidding me!

Walang ibang ginawa ang babae kundi umiwas sa mga ghoul na sumunod sa kaniya. Hindi niya ito inatake o pinigilang umatake kaya napagtanto kong hindi siya marunong makipaglaban.

Hinubad ko ang balabal na suot at pinaikot ang espada sa kamay ko at walang hirap na pinutulan ng ulo ang mga ghoul na sumugod. Sinipa ko sa paa ang isa hanggang sa mabali ang buto nito. Sinunood ko ang pakpak niya at binaon sa puso nito ang espada ko.

Hindi pa ako pwedeng magpaulan ng water pressure dahil baka aksidente kong matamaan ang babaeng parang baliw na tumatakbo sa lahat ng direksyon na para bang maiwawala niya ang mga ghoul sa ginagawa niya.

Mabilis kong pinagalaw ang kamay at wala pang isang minuto, nahiwa ko na ang mga katawan ng mga ghoul maliban sa apat na hinahabol pa rin ang babae.

Mabilis akong nagflash papunta sa babae at sinakal ang leeg ng isang ghoul. Binali ko ang leeg nito at sinipa ang kasamahan niyang lumapit sa amin. Sa lakas ng pagkakasipa ko mabali ang buto niya sa likod.

Inatake ng kakaibang amoy ang sistema ko. Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng kakaibang amoy. Para itong mahalimuyak na bulaklak at ulan sa gubat. Napada ang babae pero agad siyang tumayo ulit. Dumugo ang tuhod niya at napatingin ako sa dugo.

Nanuot sa ilong niya ang amoy ng dugo pero natigil ang pag-iisip niya ng hablotin ng isang ghoul ang babae at itapon palayo. Lumagapak ang katawan ng babae sa isang puno at hindi naging handa si Daniel sa galit na lumukob sa sistema niya. Before he knew it pinutolan na niya ng ulo ang ghoul na tumalon sa babae.

Nang hinanap ng mata niya ang babae, nasa tabi na ito ng bata at magkayakap sila. Hindi napigilan ni Daniel ang lumapit sa kanila lalo pa at hinihila siya palapit ng amoy ng babae.

Hindi niya maalis ang mga mata niya sa nakatalikod nitong katawan. Napakaliit ng katawan ng babae, payat ito at maiksi. Para itong bata sa paningin niya. Maitim ang mahaba nitong buhok, katulad ng kulay ng buhok ng batang yakap-yakap niya ngayon.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon