Chapter 14

173 15 0
                                    

Limang araw na ang lagnat ni Niko pero hanggang ngayon hindi pa rin ito bumababa at hindi pa rin nagigising si Nikolai simula noong mawalan siya ng malay. Kahit madilim ang buong paligid, nakikita ko pa rin ang maputlang balat ni Niko. Pumayat rin siya at nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya kahit pa nga parang natutulog lang siya. His lips are dry at nawawala na rin ang kulay nito.

Han said he was poison by Demonbane. Wala akong alam tungkol sa lason na yon at hindi ko rin alam kung paano iyon magagamot. I wanted to heal Nikolai so badly pero wala akong magawa. My healing ability is not working on him. Hanggang ngayon wala pa rin akong magawa.

Nang araw rin na nawalan ng malay si Nikolai, umalis si Han para maghanap ng lunas. I can feel that Daniel wanted to go with him pero ayaw niya naman kaming iwan. Malaki kasi daw ang posibilidad na ngayon sumugod ang Berserker dahil mahina si Nikolai. Kaya nagpaiwan siya para maprotektahan kami.

Biglang nawala ang mga kasamahan niya. Nalaman ko na lang na pinapahanap na pala niya ang mangkukulam na may gawa nito.

Wala pa rin kaming balita tungkol kay Han pero nagpadala na ng back up si Daniel para hanapin siya.

Nakakapagtakang may mga kawal na sumusunod sa utos ni Daniel pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Kailangan kong alagaan si Nikolai.

I tried to be strong pero hindi ko talaga mapigilan ang luha ko. Most days, napapnsin ko na lang na tumutulo na pala ito. My heart started aching everytime I noticed Niko is getting sicker.

Napatigil ako sa pag-iyak ng biglang may itim na ibon ang pumasok mula sa bintana. Hindi ko ito pinansin noong una dahil mukha lang naman itong normal na uwak. Pero napatayo ako nang bigla itong lumapit sakin. May inihulog itong puting bagay at basta na lang din umalis.

Nagtatakang inapitan ko ang iniwan nito, nagdadalawang isip kong pupulotin ba o hindi.

Ilang minuto ko pa itong tinitigan at nang masiguro kong mukhang hindi naman ito mapanganib, pinulot ko ito mula sa sahig.

Ilang beses kong sinuri ang papel haggang sa maingat ko itong binuksan.

Kung gusto mong mailigtas ang buhay ng bata, pumunta ka sa Cloy's Hotel Room 101 ng hating gabi pitong araw mula ngayon. Ibibigay ko ang lunas ng lason kapalit ng isang basong dugo niya.

Kapag hindi ka dumating, sisiguraduhin naming mamamatay ang bata.

Nanginginig ang kamay na binasa ko ulit ang sulat.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Wala akong masyadong alam tungkol sa lason. Ang alam ko lang, nakakamatay ang Demonsbane at dalawang linggo lang ang itatagal ng kahit sinong Berserker kapag nalason nito. Napakahirap hanapin ang lunas nito kaya mas nadadagdagan ang takot ko sa kada araw na nagdadaan.

Siyam na araw na lang at mauubos na ang oras ni Nikolai.

Hindi pwede!

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Alam kong tinutulongan ako nina Daniel pero walang kasiguraduhan na aabot si Han dala ang panglunas bago maubusan ng oras si Nikolai.

Hindi ko kayang mawala si Niko. Hindi ko kakayanin.

Isang basong dugo lang naman diba? Isang baso lang?

Habang tumatagal, mas lalong hindi alam ni Tori kung ano na ang gagawin. It has been two days simula noong natanggap niya ang sulat at isang linggo na lang bago maubos ang oras ni Nikolai.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon