Iniwan ba ito ni Tori? Pero parang napaka imposible. Kahit na maliit lang ang oras na nakasalamuha niya ang babae, alam niyang mahalaga ang bata para dito. He saw how much she loves the child when she protected Niko from him ng akalain nitong masama siyang tao.
"Nasaan ang mama mo?" Agad naging malungkot ang mga mata ng bata which only made him more confused.
Iniwan ba ito ni Tori? Sumama na ba ito kay Remus at ayaw ng lalaki sa bata kaya iniwan niya?
Daniel wanted answers pero dahil mukhang iiyak na ang bata, he stopped himself. Instead, lumapit siya sa bata at niyakap ito. The boy went stiff but didn't push him away.
"It's ok, we're here. Everything will be ok." Daniel tried to comfort the child.
He's not good with words. He's not even affectionate but with this child, he can be. Naaalala kasi niya ang sarili sa bata.
For minutes he just sat there with the child. Under the tree, surrounded with giant roots and smelly insects. Niko was quite most of the time at hindi rin ito gumagalaw. Nang pumasok ang isa sa mga kawal niya, agad itong natakot kaya hindi na muna niya pinapasok ang mga kasamahan. He told them to scout the premises for anything that could point to the Berserker's location. Sinabihan na rin niya ang mga ito na ang presensyang sinusundan nila kanina ay ang presensya ng bata at hindi ng Berserker.
Nang marinig niya ang malakas na tunog ng tiyan ng bata, hinarap niya ito. The child looks embarrassed and hungry at the same time.
"Come on. Let's go and find something to eat." He extended his hand to the child pero umiling lang ito.
Kumulo ulit ang tiyan ng bata kaya mas lalo nitong niyakap ang kumot.
"Gutom ka na. Pumunta tayo sa bayan para makakain na tayo."
Umiling ulit ang bata. "Hindi ako pwedeng umalis. Mag-aalala si Tori kapag wala ako dito pagbalik niya."
Ang daming gustong itanong ni Daniel pero ayaw niyang matakot ang bata. "Nasaan ba si Tori?" He asked instead.
Is she with a man? He wanted to add but held himself.
"Naghahanap ng pagkain para baon namin bago umalis."
"Aalis kayo?"
Pero saan naman sila pupunta? Bakit sila aalis? Sinong kasama nila? Kailan sila aalis? Ngayon ba?
Tumango si Niko pero agad ring kumunot ang noo niya. Napatingin sa kaniya ang bata tapos nanlaki ang mga mata nito.
"Hindi ko dapat sinabi sayo yon." Mahinang bulong nito na nagpakunot sa noo ni Daniel.
"Bakit naman?"
Sinabihan ba ni Tori ang bata na wag siyang kausapin?
"Hindi kita kilala at sabi ni Tori, hindi ako pwedeng makipag-usap sa mga estrangherong hindi niya kilala."
"Magpapakilala ako kung ganon." He smiled at the child.
"Ako si Daniel Fuevo." Inilahad ni Daniel ang kamay niya. Tinitigan ito ng bata pero nang lumipas ang ilang segundo, inabot rin niya ito.
"Nikolai." Simpleng tugon ng bata.
"Nikolai," Ulit ni Daniel.
"Ilang taon ka na?"
"Walo."
"Si Tori? Ilang taon na?"
"Bakit Tori ang tawag mo sa kaniya? Magkakilala ba kayo? Kaibigan ka ba niya?" Hindi alam ni Daniel ang sagot doon kaya tumango na lang siya.
BINABASA MO ANG
Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}
FantasíaA reluctant King who's searching for their Kingdom's enemy stumbled upon a woman with a troubled past. With an ultimatum just around the corner, can they catch the Berserker before it kills them or would they die along with their bloodline? ~ Danie...