Chapter 39

190 11 0
                                    

Napaatras ng marinig ang sinabi ng Ministro.

"Anong ibig mong sabihing ikakasal na kami? And in three days? B-Bakit ang bilis? At wala man lang nagtanong sakin kung papayag ba ako? Malalaman ko na lang dahil bigla-bigla na lang akong sinukatan ng damit pangkasal!"

Umalingawngaw ang sigaw ko sa loob ng malaking meeting room. We were on the Castle's cabinet room which is usually used for small private meetings between the King and his ministers. Kung hindi lang ako nawindang sa balita, baka lumuwa na ang mga mata ko dahil sa ganda ng lugar. The room was not huge but it was not small too. Puno ng ginto at kung ano-ano pang kumikinang ang paligid. The curtains were plain but the materials were thick and expensive. Even the wooden table between them looks utterly great. The carvings were both artistic and symbolical. The walls were thick to avoid anyone from the outside from hearing the King's conversation. But the King was not here today. Ako at ang mga Ministro ang mag-uusap. And apparently they already decided things for me.

"Huminahon po kayo Kamahalan."

My chest heaved dramatically dahil sa inis. I can't breathe properly at ang lakas ng pintig ng puso ko. I can't freaking calm down! I'm annoyed, irritated and angry!

Pagkatapos naming mag-usap ni Daniel tungkol kay Hera, agad niyang ibinalik sakin si Nikolai. We talk some more during the night at napagdesisyonan naming mananatili muna kami dito. Total wala naman pala talaga akong kasalanang nagawa. I am still surprise about that fact tapos bigla biglang may bagong pasabog na naman?

"Alam naming mahirap ito para sayo Prinsisa pero wala na tayong ibang paraan. Kailangan ng Bastione na ikasal kayo para maibalik ang buhay ng lupain natin." It was Ministro Hitro. Ang singkit na Ministro ng Foreign affairs na nasa kaliwa ko at kalmadong nagbabasa.

Pagkatapos naming mag-usap ni Daniel, dumating ang mga Ministro at pinakilala ako. I don't want to be rude especially that I will be staying as their guest kaya pinaunlakan ko ang imbitasyon nila sa luncheon. At gaya ng una ko silang nakita, they were this badge at the left side of their chest to indicate their place in society. The badge was small but ut contained four colors. Red, blue, green and brown to represent the four Kingdom.

Now that the bond has been united, mahihirapan na akong umalis sa tabi ni Daniel. It would pain me to do so; physically and emotionally speaking. Pero hindi ko naman inakalang mangyayari to.

Tumikhim si Ministro Abay sa kanan ko bago nagsalita. Siya ang Ministro ng Batas, ang pinakamatanda sa lahat at ang laging nakasimangot.

"It has just been two days simula ng tanggapin mo ang bond ninyo ng Hari and look what already happen to the river. Nawala na ang lason at naging malinaw na ang tubig. Bumalik na rin ang mga isda sa dagat."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Totoo nga naman ang sinabi ni Ministro Abay. Agad nagbago ang kalagayan ng ilog simula ng tanggapin ko ang bond namin. Yes it was accidental because I said it without thinking but it united our bond nonetheless. Gusto ko sanang makipagtalo at irason na baka nagkataon lang talaga na umayos ang lagay ng ilog sa panahon rin na tinanggap ko ang bond pero kahit sa sarili ko alam kong tama ang sinabi ng Ministro.

Kahit na sa ibang lugar ako lumaki, as a Fae alam ko pa rin na may koneksyon kami sa kalikasahan. Kaya alam ko na ang bond talaga namin ang nagpagaling sa ilog. As absurd as it sounds.

"It's a dangerous time for Bastione, Princess." Si Haring Ra El, Hari ng Earth Kingdom and also the acting Minister of Warfare habang naghahanap pa sila ng pamalit kay Riglon. King Ra El was wearing a simple white button down shirt and dark slacks. Without his crown, he looks oddly fatherly but his brown royal coat gives away his social standing.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon