Chapter 16

176 14 0
                                    

After we purge all the Demonbane from Nikolai's body, kinausap ako ni Han. Nalaman niya mula kay Daniel ang tungkol sa sulat kaya pala mas nagmadali silang mahanap ito, hence Daniel coming home covered with blood.

Hindi na ako nagtanong kung paano niya nakuha ang lunas at bakit puno sila ng dugo.

Han then tried to ask me what his plan was. Noong una, hindi ko siya maintindihan, magaling na si Nikolai. Mahina man ang katawan niya, pero wala na ang lason. He just needs rest and food to recover kaya hindi ko masundan ang tanong ni Han.

He was afraid to tell me his plan first dahil alam niyang hindi sasang-ayon si Daniel pero ng marinig ko ang rason niya, I was convinced I needed to help.

Argaut's days are counted. Isang buwan na lang ang itatagal niya dahil sa lason kaya nagiging desperado na siya. Hindi pa nakakatulong na may malaking pagtitipon na magaganap tatlong linggo mula ngayon. Ang hinala ni Han, baka isa sa mga kasamahan ni Argaut ang pupunta dito sa Leviathan Capital para sa pagtitipon at kapag nagkita ang dalawa, malaking problema ito para sa Bastione. It will endanger their people at hindi hahayaan ni Han na mangyari iyon.

In short, they need to kill Argaut bago ang pagtitipon. They have three weeks to track him down pero dahil sa mangkukulam na kasama nito, nahihirapan sila.

And the letter I got is an open invitation. It will lure the witch if not Argaut. Nang dumating silang Han dala ang lunas, dalawang araw na lang ang natitirang oras bago ako dapat pumunta sa Cloy's Hotel kaya minadali namin ang plano. It didn't really help us that Daniel did not want to implement Han's plan. Hindi ko nga siya maintindihan kung bakit ayaw niya when in fact, this will help them greatly.

They helped me with Nikolai kahit hindi naman nila kailangang gawin iyon, so I wanted to repay them. I hate being indebted.

Simple lang naman ang kailangan kong gawin. I just need to show up then give her the box. Pinagawa pa ni Han ang box mula sa isang mangkukulam. May teleportation spell ito sa loob kaya kung bubuksan ito, mapupunta sa ibang lugar ang mangkukulam.

Kaso, baka maghinala ang babae kung basta-basta ko na lang ibibigay sa kaniya ang box so I need to give her a good fight. Habang silang Han naman at ang mga kasamahan niya ang bahala sa mga ghoul na nakapaligid sa Hotel.

"Fuck it! Hindi natin dapat ginawa to!"

Galit pa rin si Daniel at hinala ko dahil iyon sa hindi namin nahulaan na lalagyan ng mangkukulam ng spell ang buong silid.

Ayon sa plano namin, tutulongan nila akong kalabanin ang mangkukulam kapag nasaktan na ako. Yon ang pinaliwanag ni Han. Sila na ang kukuha at lalaban sa mangkukulam at back up plan lang ang box para hindi ako mapahamak. Kaso hindi namin inakala na hindi sila makakapasok sa silid. I was cage inside with the witch. Hindi nila ako natulongan. But despite that, the plan was a success. We captured the witch.

"A-Anong nangyayari?" I cleared my throat tapos uminom ulit ako.

Napabuntong hininga si Daniel bago ako tinulongang nakainom. Inayos rin niya ang kumot ko bago siya umupo sa higaan, just right beside me.

"Nang mawala na ang mangkukulam," Panimula niya habang nilalaro ang kamay ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang bawiin ang kamay ko o hindi. I don't particularly like to be touch by anyone dahil kaagad akong nakakaramdam ng pagka-ilang pero kapag si Daniel, hindi ko naman nararamdaman yon. It's weird and it's creeping me out kung bakit ganito. I hate it that I can't explain it.

"Nawala rin ang bisa ng spell na nilagay niya sa silid kaya ka namin nakuha."

Naging tahimik siya pagkatapos non. Hindi na niya nilalaro ang mga daliri ko dahil mahigpit na niyang hawak ang kamay ko na para bang mawawala ako kung bibitawan niya ito.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon