Tumango si Daniel kay Kyle then Kyle disappeared kasama si Nikolai.
"Niko!!"
Natatarantang tumayo ako at nagpalinga-linga, hinahanap si Niko. Sa sobrang pag-aalala ko hindi ko na napansin na yumakap na pala sakin si Daniel.
Biglang dumilim ang piligid then it became cold then hot again. Tapos ay nasilaw ako sa matinding liwanag bago umayos ang paningin ko.
Napaatras ako ng makitang wala na kami sa gubat. Nasa harapan kami ng malaking tarangkahan at may mahigit isang daang kawal ang nakatingin samin. Pinagbuksan nila kami sabay baba ng tingin although I could feel them staring at me curiously. Akala ko bibitawan na ako ni Daniel pero nanlaki ang mga mata ko ng pinagpatuloy niya ang pagyakap sakin kahit na ang daming pares ng mga mata ang nakatingin samin.
Pilit akong umaalis sa yakap niya. "Bitiwan mo ako! Nasaan si Niko at bakit mo sinira ang bangka ko! Kakabili ko lang non at alam mo ba kung gaano kamahal yon?" I keep pushing him away pero hindi niya ako binitiwan.
"I'll buy you more boat if that's what you want."
Sisipain ko na nasa siya dahil sa inis ko pero bigla siyang lumipad habang hawak ako kaya napakapit ako ng mahigpit.
"What the heck are you doing?! Put me down Daniel! Teka, teka! Bakit tayo tumataas! Ang taas na natin, Daniel!"
"We're not that high."
Kinurot ko ang gilid ng tiyan niya habang ang isang kamay ko naman ay mahigpit na nakakapit sa leeg niya. Pumasok si Daniel sa malaking bintana na pinapalibutan ng mga kumikinang na kurtina. Nasa loob na kami pero hindi pa rin niya ako binababa. Kung kanina pinagtitinginan kami, ngayon parang luluwa na ang mga mata nila kakatitig samin. May isang tagalinis pa na nabitawan ang dalang balde na may tubig.
"Yeah you're right! Hindi naman mataas ang lipad natin. Tama lang para mabalian ako!" I sarcastically shouted.
"Wag ka ngang malikot, mahuhulog ka talaga sa ginagawa mo."
"Ibaba mo kasi ako at saan mo dinala si Niko?"
I keep thrashing pero ng mas binilisan ni Daniel ang paglipad, napatili ako at mas napayakap sa kaniya.
Binitiwan lang niya ako ng makapasok na kami sa isang silid.
"How could you be so reckless Tori?" Naiiritang bulway ni Daniel habang sinamaan ako ng titig.
"Bakit bigla na lang kayong umalis? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala? Hindi pa kita makikita kung hindi ako sinabihan ni Kyle na nasa bayan kayo! Alam mo ba kung gaano ka mapanganib ang ginawa mo?"
"Buhay pa ba si Argaut?" I thought he's already dead kaya kampante akong umalis.
"No, he's dead. I made sure of that." After all these years of wishing he's dead and finally hearing he is indeed, akala ko sasaya ako. But no, all I felt was relief and satisfaction. Sa wakas, malaya na si Nikolai.
"Pero kahit na. Hindi lang si Argaut ang pwedeng manakit sa inyo!"
"Anong gusto mo? Manatili ako dito at—"
"Tori, you're the Queen, you're my Queen. And now someone is threatening to dethrone me at baka gamitin ka nila laban sakin."
Hindi ko ito naisip ng umalis kami ni Nikolai. Ang tanging gusto ko lang naman ay mamuhay ng mapayapa at mapalaki ng maayos si Niko. I badly wanted to not go to jail kaya agad kaming umalis. Hindi ko naisip na mag-aalala si Daniel o na hahanapin niya ako.
"Paano kong saktan ka nila? Paano kong saktan nila si Nikolai? Bakit hindi mo yon naisip?"
Biglang sumabog ang galit ko.
BINABASA MO ANG
Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}
FantasyA reluctant King who's searching for their Kingdom's enemy stumbled upon a woman with a troubled past. With an ultimatum just around the corner, can they catch the Berserker before it kills them or would they die along with their bloodline? ~ Danie...