Chapter 15

169 11 0
                                    

Hindi maipaliwanag ni Tori ang sobrang kabang nararamdaman habang nakatitig siya sa Cloy's Hotel. Ilang beses na siyang napalunok habang nagdarasal na sana gumana ito.

She slowly walked towards the hotel habang mahigpit na hinahawakan ang itim na kahon kung nasaan ang isang basong dugo.

Nanginginig ang tuhod niya kaya nahirapan pa siyang maglakad pero kahit na ganon, pinilit niya ang sarili.

She kept saying everything's going to be alright just to comfort herself. Ilang beses rin niya pinakiramdaman ang punyal na tinago niya so she can at least fool herself that she's safe.

Hindi na napansin ni Tori ang desenyo ng hotel, pati na rin ang magagarang palamuti sa loob dahil sa sobrang kaba. Tuwing may sumusulyap sa kaniya, agad siyang napapatalon dahil pakiramdam niya alam nila kung ano ang ginagawa niya.

Stay calm damned it!

Napasandal sa dingding si Tori habang kinakalma niya ang hininga. Hindi siya pwedeng magkaganito habang kaharap ang kukuha sa dugo. Kailangan niyang maging matatag. Kailangan niya itong gawin.

Para kay Nikolai...

Sa pangsampung pagkakataon, inayos niya ang suot na claok. Kulay itim ito at natatabunan nito ang buo niyang katawan.

Gustong maiyak ni Tori. Bakit ba kasi kailangang mangyari ito? Tahimik lang silang naninirahan ni Niko sa Aerok pero heto at gugulo na naman ang buhay nila. Ano bang nagawa nilang kasalanan at bakit pinaparusahan sila ng ganito?

She wanted to kill Argaut so badly. She wanted to make sure he would never hurt them again pero alam niyang hindi niya magagawa iyon. She's weak. Always have been and always will be. Pero hindi ibig sabihin na susuko na lang siya basta-basta.

She needs to be strong dahil kailangan siya ni Nikolai. She can't afford to be weak this time.

Nang masiguro na ni Tori na kaya na niyang maglakad ng hindi nadadapa sa sobrang takot, gumalaw na siya. She keep her head down while taking the lift. Marami siyang nakasabay sa loob at lahat ng iyon masayang nag-uusap. Some of them were families that are visiting Leviathan Capital for vacation.

Gustong maiyak ni Tori habang nakikinig sa kanila. They are so happy with their lives. Wala silang pinoproblemana at hindi nila iniisip kong saan nila kukunin ang susunod na kakainin nila.

Sa murang edad, naintindihan na ni Tori na hindi patas ang mundo. May mga nilalang talaga na sadyang maswerte dahil pinanganak sila sa pamilyang mahal sila at kaya silang buhayin. Hindi na nila kailangang magtrabaho para makakain, hindi na nila kailangang tumakbo palayo dahil may mga taong susuporta at poprotektahan sila.

Tori experience those things. Hindi man sila mayaman pero mahal na mahal siya ng kaniyang mga magulang. She did not need to work just to eat but everything was snatched away from her. Her home, her family, everything.

Sa murang edad, nalaman na ni Tori na hindi mabait ang mundo lalo na sa mga nilalang na mabilis magtiwala. Because of everything that had happened, she became distrustful. Alam niya na kahit ang mga taong akala mo ay kaibigan mo ay kaya kang saktan. She never wanted to experience those things again kaya itinanim niya sa utak niya na huwag ng magtiwala ulit dahil masasaktan ka lang sa bandang huli.

Napabuntong hininga si Tori sa naiisip. Ayaw na niyang magtiwala ulit pero bakit yon ang ginagawa niya ngayon? She's trusting them. She's doing this.

Why?

Inayos ni Tori ang sarili. Wala siyang panahon ngayon para mag-isip ng mga ganito. She need to concentrate on this. Mamaya na niya iisipin ang mga tanong na bumabagabag sa kaniya.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon