Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
I did remember him telling me, no more like mumbling something about me and him and date but that was it. I did not get it.
Kinuha ko si Nikolai mula sa kaniya ng nasa hallway na kami. Nakakapanibago dahil malinis ang hallway dito at kadalasan sa mga nilalang na nakatira sa Apartell ay halatang may kaya sa buhay. Hindi ako sanay na nakakakita ng ganito. At lalo naman si Nikolai. Paminsan-minsan, kailangan ko pa siyang sinahin na huwag masyadong tumitig sa mga nakakasalubong namin dahil natatakot ako na baka magalit sila at saktan si Niko. Rich people tend to do that often where I came from.
Pumasok kami sa isang malaking pinto na bigla na lang gumalaw pababa. Naalala kong lift ang tawag dito, nakasakay na ako sa ganito noong may ginamot ako sa loob isang malaking establishemento. Pero isang beses lang nangyari yon sa tanang buhay ko.
Humigpit ang hawak ni Nikolai sa kanay ko ng gumagalaw kami na ang lift habang nakatitig lang si Daniel samin hanggang sa makababa na kami. Hindi ko alam kung saan ang daan palabas kaya sumunod kami kay Daniel ng magsimula na siyang maglakad.
Simple lang ang suot niya ngayon. Naka black long sleeve siya na may tatlong butones sa may dibdib at naka trousers siya ng kulay tsokolate. Pero kahit na simple lang ang suot niya, bagay iyon sa kanya lalo pa at hapit ito sa magandang pangangatawan niya.
Napataas ako ng kilay ng mapansin ko ang ilan sa mga babaeng shifter na lumalapit sa kaniya at kunwari ay nadadapa o kaya naman ay nabubunggo siya para lang magkausap sila. Napailing na lang ako. Bukod sa may hitsura itong kasama namin, lapitin rin ng babae. Naalala ko tuloy yong araw na nakita ko siyang ninanakawan ng bata. May kausap rin siyang babae noon.
Imbes na tapunan ng tingin ang Fae, si Niko ang tinignan ko.
Pinigilan kong maiyak ng makita ko ang pagkamangha sa mga mata niya. Sanay na naman si Niko na laging naiiwan sa bahay dati pa dahil ayaw naman niyang sumama sakin kapag nagtatrabaho ako noon sa Aerok pero ibang usapan na ang hindi nakakalabas. Noong nasa Aerok pa kami, nakakalabas siya at nakakapasyal sa gubat pero ngayon hindi na. Kaya naman nagpasya akong ilabas siya at ng makalanghap naman ng hangin.
Halos mabali na ang leeg ni Nikolai kakatingin sa lahat ng nadadaanan namin. Ayaw ko mang aminin pero ganon rin ako. Sa pagkakaalala ko, hindi naman ganito kalinis ang Aisya Lam dahil parang Aerok lang din ito. Kaya bakit iba ang nakikita namin ngayon?
Imbes na mabahong kanal, ang mabangong pagkain ang nalalanghap namin sa daan. Walang mga batang kalye ang nagtatakbuhan sa daan at wala ring mga matandang may sakit ang nakahiga sa kalye at nanghihinge ng pagkain. Pati ang mga tindahan kakaiba. Hindi gaya sa nakasanayan namin. The stores here are more sophisticated. Halos puro glass wall at kita ang nasa loob. May mga kakaibang carvings pa sa bawat dingding at pintuan. It's really a piece of art na hindi namin nakikita sa Aerok.
Ilang beses pa ako napakurap lalo na ng makita ko ang mga magagandang establishementong nakaparada sa harapan namin. Malinis ang buong paligid. Kahit na maraming nilalang ang nasa daan habang lumilipad naman ang iba, pero hindi maingay ang paligid. Hindi katulad sa nakasanayan kong lugar.
The buildings here are taller and bigger and more colorful than what I often see in Aerok. Kakaiba ang desinyo ng mga gusali nila. Pati ang mga shifter nila dito kakaiba. I see more fliers which is rare in Aerok. Para akong masa ibang lugar lalo pa at napakaraming nilalang ang lumilipad sa itaas namin. The buildings around here also have some sort of entrances para sa mga lumilipad.
Pati kalsada nila dito kakaiba. We are walking on a narrow road intended for walking. Ilang metro sa tabi namin, may isang mas malapad na kalsada kung saan dumadaan ang mga karwahe. May iba ring lane para sa mga runner na shifter katulad ng mga lion, cheetah, deers and many more. Nandoon rin ang halos lahat ng Elves. Nanlaki ang mga mata namin ni Nikolai lalo na ng bigla silang magtakbohan lahat. They were so fast. Kaya pala may ibang lane sila. To avoid accidents.
BINABASA MO ANG
Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}
FantasyA reluctant King who's searching for their Kingdom's enemy stumbled upon a woman with a troubled past. With an ultimatum just around the corner, can they catch the Berserker before it kills them or would they die along with their bloodline? ~ Danie...