Napahilamos ako sa mukha matapos marinig ang paliwanag nila.
"Hindi mo talaga maalala kung sino sila?" Matigas ang boses ni Sin kaya mas lalong lumakas ang iyak ng batang babaeng nasa limang taon pa lang. Napabuntong hininga si Rose sa likod niya at bago pa kami makagalaw, lumapit siya sa mga bata at nginitian ang mga ito.
"Tahan na, wag ka nang umiyak." Pinunasan niya ang luha ng batang babae na nakakapit pa rin sa kuya niyang nakayakap rin sa kaniya. "Wag kayong matakot, hindi nila kayo sasaktan. Gusto lang talaga naming malaman kung nasaan na ang kaibigan namin." Hinaplos niya ang buhok ng mga bata habang puno ng lungkot ang mga mata niya. Malakas na napabuga ng hininga si Sin at yumuko na rin.
"Pasensya na kung natakot kayo, ganon lang talaga ako magsalita. Pero hindi ako galit." Hinging pasensya niya sa mga bata.
"H-Hindi talaga namin na-nakita ang mukha nila dahil nakabalabal sila ng lumapit sa akin." Nanginginig ang tuhod ng batang lalaki pero pinilit niyang tapangan ang sarili para sa kapatid niya.
"Kinuha nila ang katapid ko at ang sabi niya kapag hindi ko daw ginawa ang utos nila, p-papatayin," Humigpit ang kapit niya sa kapatid. "Papatayin daw niya ang kapatid ko. Kaya nagawa kong ilagay ang bomba sa kwarto ng k-kaibigan ninyo." I stiffened as I looked in their eyes. May alaalang pilit na pumapasok sa utak ko pero agad ko itong inilibing. I can't afford to lost control now. Not when everything is in chaos.
Napailing sa tabi ko si Maya. Nasa mga katorse pa lang ang batang lalaki. Wala na silang magulang at palaboy-laboy sila sa kagubatan ng Water Kingdom kaya madali silang nagamit ng mga kalaban.
"Ang— ang alam ko, sa limang bomba na hawak ko may isang naglalaman ng tepelortion spell." Teleportation spell.
"At kapag gumana iyon, sa Krad daw nito dadalhin ang kaibigan ninyo."
Umigting ang panga ko at kahit na pilit kong binabaon sa limot ang mga alaala ko sa lugar na iyon, pilit itong bumabalik. Ng malaman nilang isang Dark Fae si Sin, pinatapon siya sa Krad. He almost died kaya hindi ko maiwasang kabahan ng husto. Si Aira ang pinag-uusapan natin dito.
Nang matapos na naming kausapin ang mga bata, binigay ko sila kay Han para isama sa orphanage. Doon, mabibigyan sila ng sapat na pagkain.
Nasa loob ako ng study room ni Sin ng bigla itong bumukas at pumasok ang mga Ministro kasama si Sin, Han at Maya.
Nang makita kong pumasok rin si Haring Ra El, mas lalo lang sumama ang mukha ko dahil alam ko kung ano ang ipinunta nila dito.
"Prinsipe Daniel," I growled dahil sa tinawag ni Ministro Abay sa akin. Nang mapansin niya ang masama kong tingin, tumikhim siya at nagpatuloy. "Daniel, dalawang linggo na ang nakalilipas simula ng mamatay si Haring Felepe. Naaapektuhan na ang Water Kingdom at kapag nagpatuloy na walang sasalo sa simbull, tuloyan itong ikakasira ng kaharian."
Dahil namatay sa labanan si Haring Felepe, kailangan na may sumalo sa truno o masisira ng tuloyan ang kaharian nila. Dahil patay na rin si Mernia at wala na ang ina niya, naging bakante ang pwesto lalo pa at patay na ang kapatid ng Hari.
"Alam ninyo na ang sagot ko. Hindi naman ako parte ng Water Kingdom kaya bakit sa akin ipapasa ang truno?"
"Ilang araw na kaming naghahanap pero wala na talagang dugong bughaw na Water Fae ang makahahawak sa simbull. Wala ng ibang pagpipilian, Daniel lalo pa at ikaw na lang ang huling blue blood na Water Fae." Singit ni Minstro Hiro.
"Paano ang anak ni Prinsipe Hunil?" Ayokong maging Hari. Lalo pa sa kaharian ng Water Fae kaya hindi ko maintindihan kung bakit pinipilit nila ako.
BINABASA MO ANG
Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}
FantasyA reluctant King who's searching for their Kingdom's enemy stumbled upon a woman with a troubled past. With an ultimatum just around the corner, can they catch the Berserker before it kills them or would they die along with their bloodline? ~ Danie...