Hindi pa rin makapaniwala si Daniel habang tinititigan si Aira na masayang nakatayo sa harap niya. Kahapon ng matanggap niya ang missive ni Sin na pauwi na daw si Aira, agad siyang umuwi sa Fire Kingdom. He knows Han wanted to come as well but Han did not utter anything. Alam kasi nila pareho na kailangang may maiwan para bantayan si Tori and Nikolai.
"I just can't believe your alive and still in one piece."
Sinamaan siya ng tingin ni Aira.
"Just because I don't fight like the rest of you doesn't mean I can't hold my ground."
"Alam ko naman yon, I'm just... happy and surprised that you're here."
Nang makita ni Sin ang katanungan sa mga mata ko, he immediately filled me in with the details.
"Hinanap namin ni Maya si Aira sa Krad gaya ng napagplanohan pero ng hindi namin ito mahanap pagkatapos ng tatlong linggo, bumalik ako para kumuha ng supply. We also need medication dahil ayaw maghilom ng mga sugat ng mga kasamahan namim."
I grimace. When a Fae doesn't heal on his own, that usually means it's a bad wound. Really bad wound.
"We were planning to go back to Krad more prepared this time but..."
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Sin. He looks annoyed again. Only this time, it's not his usually moodiness. It's something else but I can't pinpoint what.
"Pinatawag ako sa Robustos to meet with their elders. They suspected that one of our kind is burning their villages."
Sabay na kumunot ang noo nin ni Maya.
"What? What are the specifics?"
"Let's discuss about it later. For now, we have other problems we need to solve."
Taimtim ang titig na ibinigay ni Sin sakin kaya agad kong nakuha ang gusto niyang iparating. We need the Berserker dead. The sooner, the better.
"I saw Aira there after the meeting with the elders. Which bring reminds me, anong ginagawa mo doon Ai?"
Napangiti si Daniel ng makitang kumakain na naman ito ng mansanas. "Wala ka pa ring pinagbago. Ang takaw mo pa rin." Nakangiting tugon niya kaya napalingon sa kaniya ang pinsan.
Nang mapansin ni Aira na nakatayo siya at hindi lumilipad, biglang nanlaki ang mga mata nito.
"Bakit hindi ka lumilipad? Naglalakad ka na?!" Aira sounded like it's a fucking miracle that he's walking and not flying kaya napangiti na lang siya sa pinsan. Namiss niya ang kakulitan at kawirduhan nito.
After more than one month of disappearance, nasa harapan na rin nila ito. One problem off the list to worry.
Kumunot ang noo niya ng pamansing medyo pumayat ang pinsan niya. Agad siyang nakaramdam ng pagkabahala. Hindi ba ito nakakain ng tama?
"Bakit pumayat ka?"
Nagtatakang yumuko si Aira. "Pumayat talaga ako?" Nagtatakang tanong nito habang tinitignan ang sarili.
"Come here," hinila niya ito patungo sa kusina. "Eat ng bumalik na ang pangangatawan mo." Natatawang sumunod naman sa kaniya si Aira. Pati si Sin at Rose na kausap nito kanina ay sumunod na rin sa kanila.
Habang nasa hapag kainan, walang tigil si Maya at Sin sa kakatanong kay Aira. Gusto nilang malaman kung saan ito nagpunta at kung paano ito nakasurvive sa Krad. Paano ito napunta sa Robustos at kung anu-ano pa.
"Sinabi ko na nga kanina di ba? Nang sumabog ang kwarto ko, bigla na lang akong napunta sa Krad. Ilang araw ako doon, tapos may kaibigan akong nakilala at dinala niya ako sa Robustos. Hindi ko alam noong una na nasa Robustos kami at dahil wala akong spell book na dala, hindi ako makagawa ng teleportation spell. Tapos nakita mo ako doon at umuwi tayo." Sagot ni Aira sa tanong ni Sin habang kumakain ng tinapay at ham.
BINABASA MO ANG
Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}
FantasyA reluctant King who's searching for their Kingdom's enemy stumbled upon a woman with a troubled past. With an ultimatum just around the corner, can they catch the Berserker before it kills them or would they die along with their bloodline? ~ Danie...