Chapter 9

200 16 0
                                    

Huminga ng malalim si Han habang inaayos ang suot niyang balabal. Yumuko siya pero dahil sa taas niya, madali pa rin siyang makita kahit na humalo siya sa maraming tao.

Nakita niya ang mga kasamahan ilang metro ang layo mula sa kanya na ganon rin ang ginagawa. They are trying to blend in with the crowd.

Madaming nilalang ang naglalakad sa kalsada, may mga tumatakbo, may iba ring lumilipad at may nakasakay rin sa karwahe. Umuusok ang buong paligid at parang sasabog na ang tenga niya sa sobrang ingay. Lahat ng mga nagtitinda ay sumusigaw, pinipilit kunin ang atensyon ng mga nilalang na naglalakad para may bumili sa paninda nila.

Maraming mga matandang nakahiga sa gilid ng kalsada habang maraming bata ang tumatakbo, naglalaro habang ang iba naman ay tumatakas mula sa mga pinagnakawan nila.

Ilang namamalimos ding kamay ang dinaanan nila at ilang babaeng binibenta ang kalamnan nila para magkapera ang tinanggihan ni Han.

Madumi ang buong paligid, binabalot ng nakakasukang baho ang bawat kanto. Maraming nilalang ang tinapunan siya ng tingin pero hindi niya ito pinansin. Kailangan nilang matapos ang misyon na ito ng hindi nalalaman ng kahit na sino. Yon ang ang utos sa kanila ng Hari.

Gusto na niyang mahanap agad ang Berserker para makabalik na siya sa palasyo at makausap ang Reyna. Gusto niyang malaman kung kumusta na ang pag-iinsayo nito at kung kailan nito maibabalik si Roll.

Mag-iisang buwan ng nawawala si Roll at sa bawat araw na hindi ito naibabalik sa Halifax, mas lumalala ang pag-aalala niya dito. Lalo na kapag naaalala niya ang kalagayan nito bago ito napunta sa ibang dimensyon.

Ayon kay Rose, puno ng sugat ang katawan nito at bali ang mga buto. Humihinga pa naman ito bago ito mawala at yon na lang ang nagbibigay lakas sa kaniya na umasang buhay pa ito. Sana lang hindi ito nakatagpo ng mga masasamang nilalang kung saan man ito napadpad.

Ilang ulit pang lumiko si Han at nagpanggap na bibili ng mga halamang gamot na nakalagay sa gilid ng kalsada para walang maghinala kung bakit sila nandito. Nang makalapit na sila sa Cloy's Hotel, agad pumasok si Han.

Magara ang Cloy's Hotel bagamat hindi ito malaki. Mas malaki pa rin ang Rem's Club na pinuntahan nila ni Daniel pero mahahalata mong maganda ang pagkakagawa sa buong establishemento. Kakaibang bato ang mga ginamit sa bawat dingding at kumikinang rin ang bobong kaya alam niyang Hard Rock ang gamit nito.

Kung hindi ka mag-iisip ng kung ano, you will certainly appreciate how they had created the whole building since it looks magnificent. Pero kung may sapat kang kaalaman tungkol sa mga hard rocks na ginamit para mabuo itong establishementong ito, mapapatanong ka kung bakit iyon ang ginamit na materyales.

Mamahalin ang mga hard rocks kaya madalang itong makita na ginagamit para panggawa ng bahay pero matibay ito at fire proof. Bukod doon, sound proof rin ito. Kaya nakakaduda na ang isang maliit na building na gawa sa hard rock ay nakatayo sa gitna ng Aisya Lam dito sa Leviathan Capital.

Nang pakapasok si Han sa lobby, nakasunod na sa kaniya ang isang kasamahan at alam niyang susunod na rin ang iba pa.

Magara rin ang loob ng hotel. Maraming hagdan at mga nilalang na kasuot ng uniporme ang nagtatrabaho. Lumiko si Han at pumasok sa isang maliit na pinto na puno ng mga banga.

Nagpanggap si Han na interesado sa mga desinyo nito bago dahan-dahang naglakad sa pinakadulo kung saan nandoon ang isang pinto. Pagbukas niya, nakita niya ang mga painting gaya ng sabi ng Elf na binayaran nila para sa inpormasyong ito. Sa pinakagitna ay nandoon ang isang rebulto ng isang higanteng ahas na may tinutukang unicorn.

Pumasok ang isa sa mga kasamahan niya kaya lumapit na siya sa rebulto at hinawakan ang dalawang pangil ng ahas at tinulak ito papasok sa bibig nito. Ang malaking bilog na nakapaligid sa rebulto started shaking then it lowered along with them and the statue.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon