Chapter 21

163 14 1
                                    

Napabalikwas ako ng bangon at napahilot sa ulo ko.

Napapadalas na ang mga panaginip ko nitong nakaraan kaya lagi akong kulang ng tulog. Imbes na bumalik sa pagtulog, tumayo ako at dumiretso sa kusina.

Malalim pa ang gabi at malayo pa ang umaga pero sinimulan ko ng magtrabaho. Hindi rin naman ako makakabalik na sa pagtulog.

Bago ako nagsimulang magluto, pinuntahan ko muna si Nikolai. Nang makita kong mahimbing itong natutulog, napangiti ako. Inayos ko ang kumot niya at ilang minuto pa akong nagmasid lang sa gilid niya bago bumalik sa kusina. I'm glad he's ok now.

I grimace ng malasahan ko ang luto ko. Dahil sa hinala ni Daniel na nilagay sa pagkain ang lason kay Nikolai, hindi na kami muling nagpadeliver ng pagkain sa Apartell.

Sinubukan kong magluto pero dahil hindi naman kami nagluluto noon ni Nikolai ng kami lang, wala akong alam. Kadalasan naming kainin ay prutas at tinapay kaya hindi na kailangan lutuin. Kapag nakakapangisda naman ako, niluluto lang namin ito sa apoy.

Dahil wala naman akong alam sa pagluluto, simpleng itlog at kanin lang ang hinanda ko. But today I tried to cook something different and I utterly failed. Ayaw ko namang masayang ang pagkain kaya imbes na itapon, kinain ko ito. Mabuti na lang ang konte lang ang niluto ko kaya naubos ko.

Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na nakakakain kami ni Nikolai ng kanin. Sa Leviathan Capital kasi mahal ang bentahan ng bigas kaya mayayaman lang ang nakakabili nito. Kahit isang beses, hindi ko nabilhan ng bigas si Nikolai pero simula noong kupkopin kami nina Daniel, araw-araw na namin itong nakakain.

Napabuntong hininga ako ng maalala si Daniel. Dalawang araw na simula ng umalis siya at hanggang ngayon, wala pa rin akong balita kung ano na ang nangyari sa kaniya.

Pagkabalik ko mula sa Rem's Club pagkatapos kausapin si Rhea, wala na si Daniel. Nasabihan na lang ako ni Han na bumalik ito sa Bastione.

Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko sa pag-alis niya. Kahit na sinabihan na ako ni Han na kaya umalis si Daniel dahil pinatawag ito ng Fae Fire King, hindi pa rin mawala sa isipan ko na baka umalis siya dahil sa nangyari.

Sa nagdaang dalawang araw, ilang beses kong inisip kung ano nga ba ulit ang nangyari. Sinubukan kong intindihin ang bawat angolo kung bakit bigla na lang nagalit si Daniel pero wala talaga akong makitang dahilan.

Tapos bumabagabag pa sa isipan ko ang dahilan ng pagpapatawag ng Fire King kay Daniel. Narinig ko si Han na kinakausap ang iba nilang kasamahan. Ang sabi niya kaya daw kailangang bumalik ni Daniel sa Bastione dahil daw nakita na ng Hari si Lady Aira.

Hindi ako sigurado kung sino iyon pero pakiramdam ko mahalaga siya kay Daniel para umuwi agad ito sa kanila ng ganon kabilis.

Naisip ko na baka Reyna ito ng Fire Kingdom lalo na noong naalala ko ang sinabi ni Daniel na may atraso si Argaut sa Reyna nila. Pero kung ito ang Reyna, di ba dapat Reyna Aira ang tawag nila dito at hindi Lady Aira?

Kaanu-ano ba ito ni Daniel?

Agad kong piniling ang ulo ko ng mapansin ang mga iniisip. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paghihiwa sa mga prutas at pag-aayos sa lamesa.

Nang matapos ako sa paghahanda ng agahan, naligo na ako at nagbihis.

Malapit ng magbukang liwayway ng lumabas ako sa sala. Nakita ko doon si Han na abalang pinupunasan ang espada at mga punyal niya. Nagtatakang napatitig ako sa parang itim na likido na pinupunas niya sa mga sandata niya.

"Ano yan?" Lumapit ako para mas matitigan pa ang ginagawa niya.

"Lason," Simpleng sagot niya.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon