Prologue

504 25 1
                                    

This is the book two of Halifax series. Although their journey can stand on its own pero kung gusto mong mas maintindihan ang mga nangyayari, I suggest you kindly read the first book entitled The Kingdom of Rose and Ashes.

But you can still read this first if you really want. Thank you.

~~~~

Puno ng dugo ang buong paligid. Kahit saan siya tumingin, dugo ang nakikita ng mga mata niyang kulay asul. Nanginginig ang maliliit niyang kamay habang pinupunasan ang luha. Pinalibot niya ang mga mata habang mas isiniksik ang katawan niya sa aparador na pinagtataguan.

Kanina ng marinig ng ina niya ang malakas na pagsabog, agad siya nitong hinatak at pinatago dito. Napuno ng takot ang puso ni Victoria. Walong taong gulang pa lang siya pero alam na niya kung ano ang nangyayari. May gustong pumatay sa kanila. Kung bakit? Yon ang hindi niya alam.

Madilim ang buong kwarto pero nakikita niya ang buong paligid. Pinagpapawisan na siya dahil ilang minuto na rin siyang nagtatago. Pero binalewala niya ang pangangawit ng paa at tinatagan ang sarili. Ilang beses na siyang tinuruan ng ina niya kung paano itago ang presensya niya kaya gamit ang natitirang tapang, ginawa niya iyon. Nahihilo na si Victoria dahil sa pagtatago ng presensya nila. Hindi kaya ng bata niyang katawan ang ganong kahirap na gawain pero alam niyang iyon lang ang makakapagligtas sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya si Tito Riglon. Ito ang matalik na kaibigan ng ama niya. Lagi siyang binibisita ni Riglon kapag hindi nakakauwi ang papa niya galing sa trabaho. Lagi rin itong nasa kaarawan niya pati na rin sa mga mahahalagang okasyon. Kapag kailangan nila ng ina niya ng pagkain, darating ito at bibigyan sila.

Aalis na sana siya sa aparador na pinagtataguan para salubungin si Tito Riglon at humingi ng tulong ng makita niya ang mga kasamahan nito.

May limang lalaking nakapalibot sa Tito niya at natigil ang hininga niya ng makita niya ang ama niyang hawak ng mga lalaki. Nagpumiglas ang ama niya pero dahil marami at malalaki ang pangangatawan ng mga nakahawak sa kaniya, walang nagawa ang ama niya.

Gusto tulongan ni Victoria ang ama. Gusto niyang umalis sa pinagtataguan at harapin ang mga masasamang taong sinasaktan ang ama niya pero hindi makagalaw ang katawan niya. Puno na ng sugat ang mukha at katawan ng kaniyang ama. Tumutulo ang dugo nito mula sa tiyan at dumudugo rin ang isang mata nito.

Hindi siya nakagalaw ng makita niyang bumunot ng espada ang Tito Riglon niya. Bago pa siya makapag-isip, umatake ang Tito niya at bumaon sa puso ng ama niya ang espada nito. Sabay ng sigaw ng ama niya ay ang pagtulo ng luha niya. Nahulog ang katawan ng ama niya at sumalampak sa sahig ang walang buhay nitong katawan.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon