Chapter 36

163 16 0
                                    

I haven't thought about Bastione for a very long time kaya hindi ko naisip na darating ang araw na makakabalik ulit ako sa Water Kingdom. Sa dami ng problema ko, hindi  na ako nagkaroon ng panahong mag-isip pa tungkol sa mga bagay na wala rin namang mabuting maidudulot sa sitwasyon namin.

Ilang oras na kaming naglakad ni Nikolai sa madilim na hidden pathway. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kami lumiko, bumama ng hagdan at umakyat pataas. I was convinced we were lost and that we could possibly die in here. It was dark and cold. Wala rin kaming makitang pagkain and we were already starving. Pero pagkatapos lumipas ang ilang oras ng walang direksyon paglalakad, nakita rin namin ang labasan.

It was accidental again which made me nervous and doubtful but also grateful as well.

May dumaang mga daga at gagamba sa paa namin ni Nikolai at dahil madilim, hindi namin agad nakita ang mga ito kaya akala namin kung anong halimaw. I got scared and we accidentally jumped and stepped over something at bumukas ang lagusan palabas. I could have swear Nikolai thank the rats on our way out.

Nang makalabas na kami, matatayog na puno ang bumungad samin. When we looked back from where we came from, we saw the back of the gigantic castle's wall. Puro pader lang ang nakikita ko at ang bobong nito. Kaya pala inabot kami ng oras sa paglalakad.

In front of us is the thick forest with massive trees. Napaatras ako ng maalala ang nangyari ng huli akong umapak sa kagubatan ng Water Kingdom.

Nagpalinga-linga ako just to find another way. I can't step back there. Not yet. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa memorya ko ang nangyari. The pain, hopelessness and anger I felt is still there. Kapag sa gubat kami dumaan, baka hindi ako makapag-isip ng maayos at mawala pa kami ni Nikolai.

"Dito tayo." Turo ko sa umuusok na lugar. Malayo ito pero dahil may manipis na usok akong nakikita, I figured out maybe it's a house at may nagluluto o baka bakeshop ito sa bayan.

Para hindi kami mapansin at madali ring makapagtago, sa paanan kami ng gubat dumaan. Hindi kami pumasok sa mismong gubat pero hindi rin kami lumayo sa pasukan.

Hawak ko ang kamay ni Nikolai at kalahati na ng daan ang nalakad namin nang marinig kong kumulo ang tiyan niya. Kaninang umaga pa kami walang kain at ngayon tirik na ang araw.

It broke my heart na tahimik na  tinitiis ni Nikolai ang gutom. I tried looking for fruits sa mga kahoy na nadadaanan namin pero wala akong makita. Nakakapagtakang halos lanta na ang karamihan sa mga kahoy sa gubat. Pati mga bulaklak patay na rin.

Nang huli akong umapak dito, malago naman ang kagubatan pero bakit kabaliktaran na ngayon?

Nanghihina na kami ni Nikolai ng makarating kami sa bayan. Ilang taon akong tumira sa Leviathan Capital at nasanay na ako sa maduming kalsada nila. Kaya naman nakakapanibago ang malinis na kapaligiran at sariwang hangin. Kakaiba rin ang hugis ng mga tindahan sa bayang ito.

Sa Leviathan Lower town kasi, bukod sa madumi, maingay at mabaho, sira ang karamihan sa mga stall. Habang sa Upper Town naman, gawa sa salamin ang mga tindahan. Pero dito sa Water Kingdom, it's a combination of sturdy wood and thick glasses.

Walang artistic carvings ang nakaukit sa kahoy. Simple lang ito at maliliit lang din ang mga salamin na nagsisilbing bintana. Hindi katulad sa Leviathan Capital Upper Town na puro salamin. If the Lower Town is mediocre, while Upper Town is luxurious, this is the middle. Average yet homey.

Pero may nakikita run aking iilang sa high end stores na gawa sa salaming parang tubig ang hitsura. Kaso konte lang ang mga ito. Mas marami pa rin ang bilang ng simpleng tindahan.

Pati rin ang pananamit nila dito, tama lang. Hindi sila nakasuot ng basahan at maduduming damit na halos punit na gaya sa Lower town ng Aerok. Hindi rin naman sila nakasuot ng magagarang kumikinang na damit gaya sa Upper Town sa Leviathan Capital. Normal at sakto lang damit nila. Walang palamuti, walang ginto o diyamante pero hindi rin punit o madumi.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon