Chapter 29

153 15 0
                                    

Nang gabing iyon hindi ako makatulog so I planned to just stay up all night. Magluluto na lang siguro ako ng pagkain para bukas. But as I was walking to the kitchen, natigil ako sa paglalakad ng mapadaan ako sa kwarto ni Daniel.

It has been four days simula ng bumisita ang pamilya niya. Hindi naman sila nagtagal dito because of their responsibilities. They were actually illegally visiting, hindi kasi pwedeng malaman na wala ang hari sa Kastilyo niya or else baka sumalakay pa ang mga kalaban nila sa Bastione. Talagang bumisita lang daw sila para sa kaarawan ni Daniel.

Sa nagdaang mga araw, naging abala sina Han sa paghahanap kay Argaut. Lagi silang umaalis at minsan na lang sila natutulog dito. Tuwing wala sina Daniel, may dalawang kawal na nagbabantay samin ni Nikolai kaya hindi kami makatakas. Hindi na rin muna ako sumubok na umalis lalo na ngayong limang araw na lang at magsisimula na ang malaking pagtitipon sa Leviathan Capital. Hinala ni Daniel doon makikipagtika si Argaut sa kasamahan niya.

I can't take that risk knowing Argaut desperately needs Nikolai's blood to live. Kapag nahuli na nina Daniel si Argaut, doon na kami tatakas.

Lumapit ako sa pintuan ni Daniel at akmang kakatok sana para kamustahin siya pero hindi ko ito itinuloy. Kahapon ng makabalik si Daniel mula sa lakad nila, he seems different. Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba sa kaniya. Hindi niya kami kinausap ni Nikolai gaya ng lagi niyang ginagawa. Nagkulong siya sa kwarto niya buong araw. He did not eat his breakfast, lunch and even dinner. Nang tanungin ko si Han, he just told me to let Daniel be for a while at babalik rin ito sa dati. 

So I did what Han said. Hindi ko siya ginulo. Iniwan ko lang ang tray ng pagkain niya sa labas ng pinto at kinakatok siya para kunin ang pagkain pero pagbalik ko ilang oras, hindi man lang nagalaw ang pagkain.

Nag-aalala ako na baka may nangyari habang hinahanap nila si Argaut kaya nagkakaganito siya. I tried asking Han for details but he won't bulged. Lagi lang niyang sinasabi na lalabas rin si Daniel kapag umayos na ang pakiramdam nito.

I was worried whole night. Baka may sakit ito kaya kinukulong ang sarili. For some reason, I want to help him if he's indeed sick. Marami na ring naitulong si Daniel samin and I want to repay it. Kaso nahihiya akong buksan ang pintuan niya. I know some people prefer to be alone when they are not feeling well and I want to respect his decision kung ganon nga ang gusto niya.

After completing whether to knock or not, sa huli hindi ko rin ginawa. Babalik na sana ako sa kusina ng may biglang magsalita sa likuran ko.

"May kailangan ka ba?"  Napatalon ako sa gulat lalo na ng makaharap ko si Daniel. He was only wearing pants so his chest is bare. Agad akong nag-iwas ng tingin at muntik pang mapasandal sa pintuan.

"Maghahating gabi na, hindi ka makatulog?"   It was weird seeing sadness in Daniel's eyes. He was trying to hide it though but I've seen it nonetheless.

"A-Ayos ka lang ba?"

Pilit na ngiti ang ibinigay ni Daniel sakin.  "Of course Tori."

Naging tahimik kami pagkatapos. I don't know what else to say but I also cannot just leave. I want to know if he's really ok. He seems down and I'm not used to seeing him looked depress.

"M-May problema b-ba?"  Tinitigan lang ako ni Daniel at hindi siya sumagot. There was seriousness in his eyes.

"You want some coffee?" Itinaas niya ang baso na hawak na ngayon ko lang napansin. Umuusok pa ito.

Wala sa sariling tumango ako. If he doesn't want to share his problems, then I won't pry. It's the least I could do.

Naglakad si Daniel papunta sa kusina at tahimik naman akong sumunod. It was dim, but the fire place provided just enough light and warmth.

Memories of Dark and Ruins (Halifax Series II) {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon