A NEW YEAR SPECIAL CHAPTER

679 21 1
                                    

(A/N; Hi guys! I decided to do this Special Chapter for New Year. I hope you like it! Enjoy❣️)

Maaga palang ay namalengke na ko kasama si Maddie, ilang taon na rin ang nakalipas kaya naman naaasahan ko na rin siya sa ilang bagay. Sinama ko siya para tulungan ako sa mga bitbitin. Si Bella at Kai naman ay nagpresintang mag-decorate sa shelter. 12 years old na si Kai kaya naman nakakatulong na rin siya sa mga gawain.

Naisipan naming sa shelter na lang mag-New Year dahil mas masaya kapag marami. Kada taon ay nadaragdagan ang mga naaampon namin, at sabi ko naman kila Maddie na silang magkakapatid ang magtutuloy nito pagdating ng panahon.

"Mom, anong oras ba uuwi si Mommy Yna?" tanong sa'kin ni Maddie habang naglalakad kami sa palengke papunta sa bilihan ng mga manok. Pumunta kasi si Shanina sa company niya kanina dahil iche-check niya yung mga unit at rooms na walang tao. Kailangan kasing i-secure 'yon, para walang mawalang gamit.

"Hindi ko pa alam, anak e. Hindi pa naman kasi siya nagte-text" sagot ko at namili na ng manok. Medyo raramihan ko ang handa dahil marami kaming kakain doon.

"Bakit mo naitanong?" balik kong tanong sa kaniya.

"May.. gusto kasi akong itanong sa kaniya tungkol doon sa condo na ipinamana niyo sa'kin."

"Ano 'yon? Baka alam ko, ako na ang sasagot"

"Uhm.. nitong nakaraang linggo kasi may kakaiba akong nararamdaman doon, parang laging may nakamasid sa'kin. E.. gusto ko pong itanong kung may nakita siyang aali-aligid doon ngayong wala ako ro'n"

"Ahh. Gano'n ba? Oh sige, itatanong natin sa kaniya mamaya" tumango nalang siya at nagpatuloy na kami sa pamamalengke. Pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa grocery store para bumili ng iba pang mga kailangan para mamaya. Hindi kami mamimili ng paputok dahil ipinagbabawal, kaya naman torotot nalang ang binili namin para sa mga bata.

Pagkatapos naming mag-grocery ay huminto si Maddie kaya naman napahinto rin ako.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Nagri-ring yung phone ko, Mom. Wait lang" sagot niya at ibinaba ang mga bitbit niya. Gumilid kami dahil maraming tao ang nagkalat dito ngayon. Kinuha niya mula sa bulsa ang phone at tinignan kung sino 'yon.

"Si Mommy Yna" sabi niya sa'kin bago sagutin.

"Mom" panimula niya matapos idikit ang phone sa tenga niya.

"..."

"Nandito na kami ni Mom malapit sa hintayan ng sasakyan, bakit?"

"..."

"Hmm. Okiee! We'll wait for you, take care, Mom!"

"..."

"Hmm. Love you too" 'yon ang huling sinabi niya bago ibaba ang phone. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakikipag-usap siya sa phone kanina, pero hindi ko naiintindihan ang sinasabi sa kabilang linya..

"Anong sabi?" tanong ko.

"Susunduin niya raw tayo, kinuha niya na rin pala yung kotse ko sa talyer kaya siya natagalan"

"Ahh. Saan niya naman iniwan kotse niya?" nagkibit-balikat lang siya.

"Hindi na niya sinabi, Mom. Basta susunduin niya raw tayo"

"Oh sige, hintayin nalang natin siya rito" sabi ko at ibinaba rin ang mga bitbit. Ilang minuto lang kaming naghintay at maya-maya ay may kotse nang tumigil sa tapat namin. Lumabas si Yna sa kotse at ngiti ang ibinungad niya sa'kin.

"Hi, babies" sabi niya at hinalikan kami sa noo.

"Saan mo iniwan kotse mo?" tanong ko.

"Nasa bahay na" nakangiting sagot niya. Ngitian niya lang ako, bumibilis na agad ang tibok ng puso ko. Habang tumatagal kasi mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya; at ramdam ko rin na gano'n din siya sa'kin.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon