🏳️‍🌈Ch. 6

1.8K 43 5
                                    

Denise's POV.

Napakurap ako ng ilang beses. Hindi parin pumapasok sa utak ko kung ano yung sinabi niya.

"Anong.. sabi mo?" tanong ko habang nakatulala parin sa kaniya.

"I like you." mas lalo ata akong nabingi sa narinig ko. Umupo ako nang maayos at humarap sa kaniya.

"Ikaw?.. Gusto ako? As in?" napahilamos siya sa mukha niya.

"Oo nga, Denise paulit-ulit na tayo e."

"Teka— pa'no? Saan? Kailan? B-bakit?" napabuntong hininga siya.

"Makinig kang mabuti ah. The first day that we met, doon sa gate kung saan ako hinarang ng mga jejemon na yun, and the first time I saw your face crush na kita. Hindi ko in-expect na papayag kang maging kaibigan ko. Hanggang sa naging sobrang close tayo, sa'yo ako madalas at laging sumasama dahil sa'yo ako mas kumportable. Hanggang sa mas nakilala pa kita, nakita ko yung personality mo, nalaman ko yung imperfections mo, at dahil doon mas lumalim yung nararamdaman ko para sa'yo. Tinanggap mo ako ng buong-buo. Hindi mo ko hinusgahan unang kita mo palang sa'kin, at totoo ka sa'kin. Nagbibigay ako ng motibo pero hindi mo napapansin dahil para sa'yo, normal lang naman yun para sa magkaibigang babae. Sa totoo lang ang tagal kong tinago 'to kasi natatakot ako.. natatakot ako na sa unang pagkakataon, baka husgahan mo ko. Na baka layuan mo ko.." nginitian ko siya para gumaan ang pakiramdam niya.

"Hindi kita huhusgahan. At hindi kita hinuhusgahan. Hmm? Tao ka pa rin naman kahit ano pang gender mo." ngumiti siya sa'kin pabalik.

"Anong.. nararamdaman mo? Gusto mo na ba akong layuan?" umiling ako.

"Hindi.. hindi ko yun naiisip, okay? I'm just.. shocked.. na.. may babaeng nagkakagusto sa'kin, tapos kaibigan ko pa."

"Alam kong.. kaibigan lang ang tingin mo sa'kin, but please.. Don't stop me from liking you." napabuntong hininga ako. Sumilay ang ngiti niya nang tumango ako.

"Okay. I'll give you a chance." lumawak ang ngiti niya nang sinabi ko yun, at niyakap niya ko.

"Thank you." I hummed and pulled away from the hug.

"Pero may tanong ako"

"Ano yun?"

"Ako lang ba ang unang babae na nagustuhan mo?" curious na tanong ko. Umiling siya.

"Merong babae na unang nakapagbaluktot sa'kin, hanggang sa nagtuloy-tuloy na."

"Ahhhh. Sino yun?"

"Hindi mo na dapat malaman." nakangiti niyang ginulo ang buhok ko kaya napanguso ako.

"Ihhhhh sino nga?" natawa siya at umiling.

"Si Fenelope. Classmate ko nung elementary."

"Shit. Elementary may jowa ka na?!" napakurap siya.

"Bakit? Puppy love lang naman yun, but I considered her as one of my exes."

"Wow ah! 'one of my exes' parang ang dami mo nang naging jowa ah!"

"Hmmmm.. hindi naman. 3 boyfriends and 2 girlfriends."

"Wow! Ang ganda mo 'te!" pabirong sabi ko habang natatawa. Nagkibit-balikat siya na animo'y nagyayabang.

"Dalawa naging boyfriend ko nung grade 5, then yung isa noong grade 8. Girlfriend naman, first ko is nung grade 6 then yung isa, nung grade 7."

"Biruin mo elementary palang may jowa ka na. Ang tinik mo naman pala friend!"

"Ouch. Friendzoned." pabiro siyang humawak sa dibdib niya na animo'y sinaktan. Natawa nalang ako sa kaartehan niya.

"E bakit nung grade 9 di ka na nagjowa? May pinag-awayan pa kayong lalaki nun sa gate ah."

"E dumating ka na nga kasi. Simula nun, doon na ko nagre-reject kasi ikaw lang gusto ko." umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil ang bigat ng titig niya, di ako makahinga. Natawa nalang siya nung umiwas ako ng tingin.

"May tanong ka pa?" agad akong nag-isip kung meron pa ba.

"Hmmmmm.."

"Hmm?"

"Hindi magbabago friendship natin?"

"Oo naman. Magle-level up lang"

"Alam ba ng magulang mo yung mga 'yon?" umiling siya.

"Hindi nila alam? Hala. Ikaw ah.. pasikreto kang nakikipag date kapag uwian noong elementary. Sumbong kita kila tita e." tinawanan niya lang ako. Teka, alam ba nila na nagka girlfriend din siya?

"Hmmmm.. may isa pa."

"Sige lang."

"Alam ba ng magulang mo na nagka girlfriend ka?" umiling siya ulit.

"They're homophobic persons. Nadala ko na sa bahay yung dalawang naging girlfriend ko, kaso nga lang.. kilala lang nila as my friends."

"Ohhhh. Anong pinakamatagal na relationship mo?"

"6 months. Tapos pinaka-maigsi na yung 1 month and 2 weeks."

"Kanino?"

"Yung sa longest relationship ko, yung sa naging girlfriend ko nung grade 7. Then yung pinaka-maigsi naman, is yung sa boyfriend ko nung grade 5."

"Grabe.." nasabi ko nalang.

"Sa'yo kaya?" tumitig siya ulit sa'kin.

"Stop staring at me. Nalulunod ako e." sabi ko at yumuko. Narinig ko naman siyang tumawa nang bahagya, kaya napanguso ako.

"Hindi ka naaw-awkwardan sa'kin?" umiling ako at nagtatakang tumingin sa kaniya.

"Bakit? Por que't may gusto ka sa'kin kailangan ko nang maramdaman yun?"

"Hindi.. I mean.. babae ka, babae ako.. tapos may gusto ako sa'yo. Hindi ba awkward? Lalo na't magkasama tayo lagi rito."

"Yna.. open minded naman ako. Tsaka wag kang mag-alala, hindi magbabago yung pakikitungo ko hmm?" tinapik ko siya sa balikat at tumayo na para kuhanin ang tuwalya ko.

"Mauuna na kong maglinis ng katawan ah. Pakiramdam ko ang baho ko na" pumasok na ko ng cr.

"Mabango ka kaya kahit pawis."

"Heh!" tumawa nalang siya at nagsimula na kong maglinis ng katawan. May re-reviewhin pa kong isang subject para sa quiz bukas.

Pagkatapos naming gawin lahat ay natulog na kami, dahil maaga pa kong gigising bukas.

"Oh! Ang fresh niyo naman!" natatawang sabi ni Pia, nakasalubong namin siya sa gate. Papasok palang din.

"Ikaw din naman ah." sabi ko naman.

"Sus nambola ka pa talaga ah. Ang aga-aga." natawa nalang kami.

"Ang hinhin ng mama mo 'no?" sabi ni Yna.

"Ayy akala mo lang, kapag nagalit yun, lahat ng mahahawakan niya, mababato niya." sagot naman ni Pia.

"Grabe pala mag-transform mama mo 'no? Mula sa pagiging kuneho, magiging dragon." komento ko.

"Infairness ganda ng bahay niyo ah. Akala ko ganun-ganun lang sa labas. Ang bongga pala sa loob." sabi ni Yna na manghang-mangha pa. Totoo naman kasi, akala mo ang simple lang pero pagpasok mo sa bahay nila, ang bongga sa loob. Yayamanin.

"Ritsked ka pala ah di mo sinasabi." natawa lang si Pia sa sinabi ko at umiling.

"Hindi naman, sakto lang."

"Sus pa-humble pa, sige na. Dito na ko. See you mamayang lunch!" sabi ni Yna at kumaway na sa'min, bago naglakad sa ibang direksyon. Kami naman ni Pia ay naglakad na rin papunta sa department namin.

"Bakit parang iba ata yung saya nun?" nagtatakang tanong ni Pia, nagkibit-balikat nalang ako kahit alam ko naman yung sagot.

"Baka maganda lang ang gising." sabi ko.

"Sabagay. Ganiyan din naman ako minsan." tumawa nalang ako at hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa makarating ng classroom. Wala na kaming ma-topic e.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon