🏳️‍🌈Ch. 32

1K 19 0
                                    

Denise's POV.

Months have passed, unti-unti nang nagiging okay si Mama pati na rin ako. Nakakapag-adjust naman ako sa trabaho lalo na’t lumayo ang destinasyon ko papunta sa school. Next week ay uuwi na si Yna mula Malaysia. Matapos ang ilang buwan ay ngayon lang nila natapos ang problema sa kumpanya.

"Ma, aalis na ko" paalam ko sa kaniya at humalik sa pisngi niya.

"Oh sige nak. Mag-iingat ka ah. Pupunta muna ako sa store mamaya habang wala ka pa"

"Oh sige, Ma. Wag kang magpapagod ah. Susunduin kita sa store. Bye!" kumaway na ko habang nakatalikod at lumabas na. Pumasok na ko sa kotse at nag-drive na papunta sa school.

"Oh. Good morning!" bungad na bati sa’kin ni Ivan. Malapit kasi ang table niya sa pintuan kay siya agad ang makikita mo pagpasok.

"Good morning" bati ko pabalik. At umupo na sa table ko.

"Almost late ah" puna niya.

"Naabutan ng traffic e. Buti nga nakahabol pa ko sa oras" naiiling na sabi ko at lumingon sa ibang tables.

"Nasaan yung iba? Pati sila Pia?" tanong ko sa kaniya.

"Ayun nag-kape. Baka pabalik na rin, magti-time na e"

"E ikaw bakit di ka sumama?"

"Edi walang guwapo na bumungad sa’yo" napairap nalang ako sa kaniya.

"Ewan ko sa’yo. Baka kulang ka lang sa kape" sabi ko then he chuckled.

"Baka nga" natatawang sabi niya. Bago mag-ring ang bell ay dumating na rin ang mga nagkape naming co-teachers. Pumasok na kami sa pang-umagang klase pagkatapos ng ilang minuto.

"So class, what can you say about the topic na diniscuss natin ngayon?" tanong ko sa mga estudyante, kailangan ko silang ma-review bago ko simulan ang recitation. Busy ako sa pagsasalita nang may biglang kumatok sa pinto. Agad ko ‘yong nilingon dahil nasa gilid ko lang ang pintuan.

"Hi ma'am" malaki ang ngiting sabi ni Yna. Gusto kong tumakbo palapit sa kaniya para yakapin siya nang mahigpit pero may mga estudyante kaming kaharap. Pinilit kong pigilan ang sobrang tuwa na nararamdaman ko at humarap ulit sa mga estudyante.

"Sandali lang class, may kakausapin lang ako. Walang maingay ah"

"Opo ma'am" pagkasagot nila ay lumabas agad ako at hinatak si Yna, medyo malayo sa classroom na yun.

"OMG. You’re here!" agad ko siyang niyakap nang mahigpit at niyakap niya naman ako pabalik habang bahagyang natawa.

"I missed you so much.." bulong niya sa tenga ko.

"Na-miss din kita" sabi ko at bumitaw na sa yakap.

"Akala ko next week ka pa darating?!" gulat na tanong ko.

"Sinabi ko lang yun pero ngayon talaga ang dating ko" napanguso ako.

"Ano ba yan edi sana nasundo kita kung sinabi mo" nakangusong sabi ko.

"Edi hindi ka na na-surprise!" she said chuckling.

"HMMP! Doon mo nalang ako hintayin sa faculty room. Matatapos na klase ko"

"Hmm. Sige" nginitian ko nalang siya at bumalik na sa classroom.

Pagkatapos ng klase ko ay nagmadali akong pumunta sa faculty room at naabutan si Yna na nakikipagkuwentuhan sa ibang teachers habang nakaupo sa table ko.

"Love" nakangiting bungad niya pagkakita sa'kin. Agad ko siyang niyakap at gano'n din siya.

"Maiwan na muna namin kayo" sabi ng isa kong co-teacher. Natawa kami ni Yna pero tumango pa rin. Pagkalabas nila ay humatak ako ng isa pang upuan at doon naupo.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon