🏳️‍🌈EPILOGUE

1.7K 22 0
                                    

Third Person's POV.

Itinakbo si Denise sa pinakamalapit na ospital. Pagkarating doon ay agad siyang chineck at inasikaso ng doctor.

"Doc, kamusta ho siya?" tanong ni Yna sa doctor. Pinasundo niya ang mga bata sa ate niya dahil bawal ang bata sa ospital.

"Okay na ang paghinga niya. Ano bang nangyari?"

"Kanina ho kasi nasa park kami, tapos naglalakad kami nang bigla siyang humawak sa dibdib niya. Hindi niya naman masabi kung anong nararamdaman niya"

"Siya nalang ang tatanongin ko mamaya para ma-check ko siya. Magigising na rin siya mamaya, nagpapahinga lang siya"

"Okay ho, doc. Salamat ho" pagkaalis ng doctor ay pinuntahan na ni Yna si Denise na mahimbing na natutulog. Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil. Napabuntong hininga siya nang malungkot niyang tignan si Denise.

"Bakit hindi mo sinasabi sa'kin? Tinanong ko ang mga bata kanina, madalas daw palang sumakit ang dibdib mo" sinagot ni Yna ang tawag nang mag-ring ang phone niya.

"Ano? Kamusta si Denise?" tanong ng ate Hanna niya.

"Okay na raw ang paghinga niya. Iche-check siya ng doctor pagkagising"

"Hay. Mabuti naman, sana okay lang siya"

"Sana nga, ate. Yung mga bata? Anong ginagawa?"

"Ayun kalaro yung kambal. Sabi ko sa kanila, ayos lang yung mommy nila."

"Salamat ate ah"

"Wala yun. Sige na, i-update mo nalang ako pag na-check na siya ng doctor ah? Bye"

"Sige ate. Bye" ibinaba na ni Yna ang tawag at muling ibinulsa ang phone. Muli siyang napabuntong-hininga nang tignan ulit si Denise. Umupo siya sa upuan, sa tabi ng hinihigaan ng asawa niya at pinagmasdan ang mukha nito.

"Ang amo talaga ng mukha mo kapag tulog" sabi niya sa isip niya.

"Pero mukha nang masungit kapag gising" dagdag niya at napangiti.

Nagising si Yna nang may humaplos sa buhok niya. Hindi niya namalayan na nakaidlip siya habang hinihintay na magising si Denise.

"Den" agad siyang napatayo para yakapin si Denise. Niyakap siya nito pabalik at bahagyang natawa.

"Pinag-alala mo ko" may pagtatampo sa boses ni Yna.

"Sorry.." mahinang sabi ni Denise, pero sapat lang para marinig niya. Bumitaw si Yna sa yakap at hinawakan ang pisngi nito.

"Kamusta ka? Okay ka na? Masakit pa ba?" umiling si Denise at bahagyang ngumiti.

"Okay na ko"

"Sandali. Tatawagin ko lang yung doctor. Sabi niya iche-check ka niya ulit, sandali lang ah?" tumango lang si Denise at lumabas na ng kuwarto si Yna para tawagin ang doctor.

Bumalik siya kasunod ang doctor at ang isang nurse. Agad chineck ng doctor ang vital signs niya at saka siya tinanong kung anong nararamdaman niyang sintomas. Pagkatapos ay inilipat siya ng kuwarto para magsagawa ng tests sa kaniya.

Pagkabalik sa kuwarto niya ay naghintay sila na lumabas ang resulta. At habang naghihintay ay namili muna ng pagkain si Yna dahil oras na ng hapunan.

"Hello, ate? Kamusta yung mga bata?" tanong ni Yna sa ate Hanna niya sa tawag.

"Okay naman sila. Katatapos lang naming kumain. Si Denise ba?"

"Okay na siya ate. Hinihintay nalang namin yung result ng test sa kaniya"

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon