🏳️‍🌈Ch. 28 (M)

2.2K 42 0
                                    

(🚫RATED M is for mature content. Read at your own risk!)

Denise's POV.

Ilang linggo ang lumipas, nagpatuloy lang sa panliligaw si Yna sa'kin. Paminsan ay dumadalaw ako sa shelter kapag wala akong gagawin. Bigla kong naalala na, hindi ko pa pala nasasabi kay Yna ang about dito.

' To: Shanina

Hey? Busy ka?'

*sent

Gusto kong malaman kung busy siya, bago ako pumunta sa condo niya. Weekend naman ngayon at tapos na ko sa gawain ko. Agad kong chineck ang phone ko nang marinig ang notification sound.

' From: Shanina

Nope. Maliligo na sana ako. Bakit?'

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Anong isasagot ko? Baka maabutan ko pa siyang naliligo kapag pumunta ako agad ngayon.

' To: Shanina

Pupunta sana ako sa condo mo ngayon. Okay lang?'

*sent

Wala pang ilang minuto ay may reply na siya agad.

' From: Shanina

Oo naman. Anytime'

Hmmmm.. awkward naman siguro kung pupunta ako sa condo niya, habang naliligo pa siya diba?

' To: Shanina

Mamaya nalang siguro after mong maligo. Sige na, maligo ka na'

*sent

Hinawakan ko ang mukha ko dahil nararamdaman kong nag-iinit nanaman.

"Argh! Ano ba kasing iniisip mo, ha?!" tinapik-tapik ko ang pisngi ko para pakalmahin ang sarili ko.

' From: Shanina

I don't mind. Sige na, pumunta ka na. Maliligo na ko'

Teka. Pinapupunta na niya ko tapos maliligo siya? Sinong magbubukas ng pinto?!

"Ugh! Makapagbihis na nga lang" pumunta na agad ako sa closet ko para mamili ng susuotin. Ang dami kong pinagpilian pero nauwi rin ako sa jeans at simple blouse, and I partnered my gray shoes. Naglagay ako ng light make up at inipit sa bun ang buhok ko since mainit. Nagpabango muna ako bago ko kinuha ang cellphone at susi ng kotse ko.

' To: Shanina

Papunta na'

*sent

Tinext ko muna siya bago ako pumasok ng kotse, at nag-drive papunta sa condo niya.

Pagka-park ko ng kotse ay bumaba agad ako at pumasok sa elevator.

' To: Shanina

I'm here na'

*sent

Pagka-send ay nilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko para wala akong hawak.

"Bakit ba ko kinakabahan? At bakit nga ba ko pupunta rito?" tanong ko sa sarili ko. Mabuti at ako lang ang mag-isa sa elevator, kundi iba iisipin nila sa'kin.

Tama. Bakit nga ba ako pupunta ngayon kay Yna? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?

*ting*

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon