🏳️‍🌈Ch. 19

1.2K 21 27
                                    

Denise's POV.

Halos lahat ng dala kong pamalit ay sinend ko kay Yna kaya alam na niya ang itsura. Tinext ako ni Cheska na sabay-sabay na kami nila Alex pupunta roon dahil nakuha na niya sasakyan niya.

It's already 8 am at 9 am ang call time para pumunta roon sa resort. Nagsuot nalang ako ng one piece navy blue bikini at pinatungan ko ng black short at oversized shirt. Lahat ng gamit ko ay nilagay ko sa isang bag pack dahil uuwi rin naman kami ng linggo ng tanghali.

"Denise!" napalingon ako kay Cheska nang buksan niya ang pinto.

"Ayy pak! Ang blooming" nang-aasar na sabi niya at tuluyang pumasok ng kuwarto ko.

"Bakit di mo ko tinext na papunta ka na?" sabi ko at naglagay ng lip and cheek tint.

"Hindi na ko nag-abala. Pagkarating ko rito, pinadiretso na ko ni tita sa kuwarto mo"

"Sila alex? Bakit di mo pa sinundo?"

"Dito na muna ko dumiretso. Wala ako sa condo this weekend e. Nasa bahay ako" sinuot ko na ang sandals ko.

"Huh? E pa'no yan? Diretso ka na sa condo mo bukas ng tanghali?"

"Ganun na nga. Bilisan mo na riyan, baka mahuli tayo" luminga siya sa loob ng kuwarto ko.

"Ito na nga oh binibilisan na"

"May nabago pala sa kuwarto mo?" tumayo siya at tinignan ang mga nakasabit na picture. Iniba ko kasi ang ayos ng kuwarto ko.

"Hiwalay talaga pictures niyo ni Yna ah" nasabi na namin sa kanila na legal na kami sa parents ko, kaya kampante na sila kapag nandito sa bahay.

"Siyempre. Jowa nga e"

"Hays. Sana ol may jowa" tinawanan ko siya at kinuha na ang bag pack ko.

"Halika na. May susunduin ka pang dalawa" tumango siya at nauna na kong lumabas. Bumaba na kami at nagpaalam kay mama.

"Mag-iingat kayo ah"

"Yes, Ma." hinalikan ko siya sa pisngi.

"Dito na po kami, Ta" nagmano muna si Cheska bago kami lumabas ng bahay.

Pagkasakay namin sa kotse niya ay diretso agad naming sinundo sila Alex at Jane. Sa shot gun seat ako naupo para sa backseat na maupo yung dalawa. Nauna na si Pia roon since ayaw niyang magpasundo, alam niya naman na raw kaya magta-taxi nalang siya. Yung babaeng yun talaga, ang gastos.

"Okay! Let's go to the beach!" excited na sabi ni Cheska. Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng bag at chineck ang messages.

' From: Yna❤️

Love, we're already here. 9 pm ang call time ah'

*received 8:12 am*

' From: Yna❤️

Nag-aayos ka na ba? Susunduin daw kayo ni Cheska?'

*received 8:30 am*

Nag-aayos siguro ako ng mga oras na 'to? Hindi ko naririnig na nagno-notif ang phone ko.

' To: Yna❤️

Hi love! On the way na kami. Sorry di ako nakakapag-reply kanina, nag-aayos kasi ako n'on e. Hehe'

*sent*

Tinabi ko na ulit ang phone ko dahil hindi ako sanay na mag-phone sa biyahe. Naka-play ang music sa kotse ni Cheska kaya nagsisikantahan sila habang nasa biyahe kami, ang iingay grabe.

GirlxFriend [Girls' Love Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon